Tuesday, July 31, 2012

Blog Entry #1

Jully 22, 2012

Buhay Estudyante ng Mahusay na Si A-ne


Ika-22 ng Hulyo, taong 2012. (Pagbigay. Di ko alam tagalog ng 22 eh.) Unang araw ni A-ne (tama, ang basa dyan ay aaa-neh) sa kanyang pagbabalik estudyante. Nag-enroll kasi siya sa isang review center para may maisagot sa exam na gaganapin sa Disyembre ng kasalukuyang taon. And exam na iyon ay magiging pinto niya sa pag-abot sa kanyang pinapangarap na propesyon. Ayoko na ng malalim na tagalog. Kay hirap!

Ayon nga, first day ni A-ne sa review classes niya at hulaan niyo kung ano nangyari? (pause for a few minutes...) Tama! Dahil mahusay siya, late siya. Hindi lang 5 minutes, hindi din 15, hindi din 30 at higit sa lahat, hindi isang oras. Alam niyo kung gaano siya ka-late? (wag na kayong mag-pause kasi pampatagal lang.) Hindi niya alam ang eksaktong bilang ng oras ng pagka-late niya, basta more than 1 hour. Hanep di ba?!

Gabi bago ang nasabing PINAGPALANG araw, kinakabahan na si A-ne. Andami niyang concerns...andaming ek-ek. Kesyo hindi siya marunong magcommute, hindi siya marunong mag-aral, at kung anek-anek pa! Kay arteng nilalang. Bago siya matulog, inayos na niya lahat ng gamit na dadalhin niya. Yung "yellow card", lapis na number 2, puting eraser, pulbo, alcohol, notebook, planner, mekap (shortcut ng make-up), wallet na may pera, ID, at kung anu-ano pa. Pero wag ka, inulit niya din lahat bago siya umalis ng bahay.

Nagising siya ng maaga kahit hindi naman siya nakatulog ng matiwasay. At dahil nga hindi sapat ang tulog, nakatulog ulit siya! Sayang yung inalarm eh. Baliw lang. Tapos nag-ayos na siya ng kakainin niya kasi importanteng may laman ang tyan para may pumasok sa utak, di ba? Tapos, naligo na siya ng mabilis, nagbihis at kumain. Marami pang nangyari, nakakatamad lang i-type. haha

Nang makarating siya sa sakayan ng mga van papuntang Lawton, sinwerte siya! kasi siya pa lang ang magiging pasahero ng L-300 na nakapila. Aba'y pinagpala! Sakay. Hintay konti. May isa pang sumakay. Ang tagal. Bumaba yung isa, nakakita ng jeep pa-Baclaran. Ang gaya-gayang si A-ne ay sumunod naman. Aba'y sinuwerte! Nakarating siya ng Baclaran ng mga 7:30 na. Naiiyak na siya kasi trenta minutos na lang at late na siya. Pero nanalig siya't nanampalataya. Sumakay ng FX papuntang Lawton at Yahoo! Trapik. Punyemas na mga nagrarally na yan. Ang tagal nilang nagposing sa ibabaw ng fly over sa may San Juan de Dios. Kaloka! Naiiyak na naman siya pero sabi niya, "Kaya ko 'to! Kahit ma-late ako ng 15 minutes ayos lang. Sana nga lang di lang ako ang late." Dininig ng Diyos ang panalangin niya. Umandar na ang mala-pagong na FX at sa wakas, nasa Lawton na siya! At sa wakas, alas otso na!. Mabuhay!

Masaya pa siya kasi hindi siya nawala. Mantakin niyong nakarating siya sa paroroonan ng di nawawala? Galing eh! Late nga lang. Ang bilis niyang maglakad. Paakyat ng overpass na lampas sa Morayta at papunta sa Building ni Dona Amparo. Yehey! Nakarating siya! Good news, di siya nag-iisa na late! Isa pang Good news! Alas siete pala ang call time niya....

At least nakapag-exam siya. At least nairaos niya. Na kahit nagkandaleche-leche ang umpisa ng araw niya at sobrang sakit ng katawan niya pagdating ng gabi, naitawid niya ang araw na ito. Salamat! :)


Ang mahusay na estudyanteng si A-ne,
BOW!

No comments:

Post a Comment