Tuesday, September 18, 2012

sawa ka na bang maging pilipino? (Mar 23, '09 1:43 AM)

kung oo, isang tadyak para sayo!
bakit inaayawan mo pagiging pinoy mo?
kahit pagbalibaliktarin mo man ang mundo, pinoy ka parin!
kahit magpapalit ka pa ng citizenship o magmigrate para lang makakuha ng green card o kahit pa mag-asawa ka ng kano, pinoy ka parin!
sa mata ng tao sa paligid mo at higit sa lahat, sa mata ng Diyos, pinoy ka parin!

you may find this corny, pero ano magagawa ko, kelangan ko ng outlet eh!
sisihin niyo si Bob Ong! na-High blood ako habang nagbabasa ng libro niya eh.
haha.. funny kasi masyado akong affected..
basahin niyo din yung bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino..
sa una mabibwisit kayo kasi mejo corny at nakakapagod basahin, pero pagdating niyo sa dulo, ayun na!
ang alam ko, matagal na yung libro, pero nakakagulat kasi, kung ano yung mga issue that time, eh parang yun parin hanggang ngayon, walang pagbabago, actually, mas worse. i mean worst! kung may word lang na worstest! baka yun na ang Pilipinas after 5 years. take note, 5 years lang.. hindi sa minamaliit ko bansa natin, pero yun ang nakikita ko eh..

pano ba naman kasi uunlad bansa natin kung wala namang ginagawa mga tao kundi pagnakawan ang isa't isa diba? kung di man pagnakawan, dadayain naman. banas diba! tapos, tapos, magrereklamo mga tao, ano, magproprotesta, magwewelga. mula noon hanggang ngayon, sige nga, may nagawa ba mga pagrereklamo ng mga tao? yumaman na ba mahihirap? nasolusyonan ba mga problema? excuse me! wala kayang nangyayare! nagpapagod lang kayo, nagsasayang ng energy, ng laway at lalo't higit, ng pera! pera para sa pamasahe, makapunta lang sa meeting place kung san uumpisahan ang pagproprotesta; pera para sa mga pintura, ply wood, cardboard, at kung anek anek pang props!; pera para sa kuryente para sa microphone at batery para sa mega phone! kahit anong sigaw naman di naririnig eh. alam yun ng mga tao pero sige parin sila sa pagrereklamo. parang ewan lang. eh kung tigilan nalang ang pagrereklamo at umpisahan kumilos? diba? parang mas okay yun. at isabay na rin ang paghikayat sa iba na kumilos di. parang yung sa movie na pay it forward(tama ba?), parang networking! kumilos ka, magyaya ng dalawa at sabihan mo din silang magyaya ng iba pang dalawa hanggang sa lahat na kumikilos. oh diba mas okay? kesa reklamo ka ng reklamo wala namang nagyayare!

isa pa, alam niyo bang nilalait tayo ng mga taga ibang bansa? ang dami nang nasasabing hindi maganda laban sa lahi natin. nakakainis! hmm? kung iisipin, may mga iilan na may katotohanan, pero please naman! wag niyo sabihing okay lang yun sa inyo? oo nakakahiya, pero di yun rason para talikuran ang pagiging pinoy. diba dapat imbes na tinatalikuran natin ang lahi natin, mas dapat na ipagtanggol natin? tama diba? hindi sa paraang makikipag-away tayo. sapat na yung ipamukha natin sa kanila na mali sila. na may mas higit pang dapat nila malaman tungkol sa atin, at hindi lang puro tungkol sa mga kasiraan natin. para naman silang ano! kala ba nila wala silang mga ugaling kalait-lait? epal nila ah! baka nakakalimutan nila, parepareho lang tayong tao! may karapatang magkamali at syempre may karapatan ding bumangon at magbago. 

buksan natin mga mata natin! ang daming kasiraan ng bansa natin. at obligasyon natin na ayusin ang mga ito. you may think na wala tayong magagawa. pero mali kayo. may magagawa tayo, maliit man, pero pag sama sama tayong kumilos, makakapagpabago ng buhay natin. pag-isipan niyo!


***yes! Claire for president!
joke lang.. minsan lang ako magseryoso, kaya wag niyong tawanan to!
haha.. 

ü

01.30.09

Certified Volunteer Blood Donor!
I donated blood, and I am now an official life saver!
haha..
super late post..
grabeng kaba yung nafeel ko before ako kunan ng dugo..
well bago yun, matagal akong naghintay for the interview ekek and all. tumakbo pa ako acctually sa Adriatico for the signature of my tita. take note, pag balik ko sa SPUM tgaktak ang pawis ko. at nung ichecheck na yung blood type, at syemprebago ako tinurukan ako ng maiiksing needle, nagpapapaypay ako sa sobrang pagkahingal. ikaw ba naman tumakbo, hindi ka hingalin? haha. aty niloko ako ni kuya na cute. haha. kinakabahan daw ba ako? sabi ko, "no! napagod lang ako." haha. ayun na, he's preparing, he held my hand, placed it near him, got my ring finger then inserted an engagement ring! haha.. joke. he cleaned my finger with a cotton ball damped with alcohol, then he got the needle and boom. the blood came out. sabi niya, "wow! ang tapang naman, ulitin natin?" haha.. sa isip ko, "kuya? joke ka ba? daliri mo kaya butasin ko?" haha. but i just said, "ay kuya 'wag na, mahapdi eh." and then we laughed. then next is the checking of blood pressure. wala akong naalalang sinabi ni kuya doon. haha. after that, i stayed at the waiting area for my turn. pero ang tagal! dumating na si Gracielle at lahat, ang dami parin. pinanood namin yung pagpasok ng toothpick-sized needle sa mga braso nila at ini-imagine ko yung pagpasok nung needle na iyon sa braso ko. OMG! naisip ko, mabubutas yung braso ko! haha. kaloka. since hindi na kami makapaghintay, nagpunta nalang kami sa guidance, dahil may so-called-survey kaming sasagutan. amp! gutom na ako nun. so we decided, kakain kami sa Giddy's! yum! tagal ko nang di nakakain dun. after maubos ang food, nagbalik na kami. ayun! mejo konti nalang tao! mag-aala una na kasi noon. so ayun, waiting again for my turn. at dumating na din si Nigel at si Adrianne at Si Xy din. manonood sila. haha.. sine? nauna si Nigel, niloloko niya ko, masakit daw. umarte pa siya na parang iiyak. pero nilakasan ko loob ko. sabi ko, "pinasok ko 'to, paninindigan ko!" kahit pa alam kong isa ang needle sa dinamidami ng kinatatakutan ko. amp! turn ko na. i asked ate, "ate, masakit po ba iyan?" she said, "isipin mo nalang ang mga taong matutulungan mo." dahil sa narinig ko, parang nawala yung kaba ko. ituturok na, di ako tumingin, nakapatong ang right na braso ko sa mata ko habang binubutas ang left na braso ko. haha. aray! mahapdi! parang pinunit yung balat ko. pero nawala yung sakit noong naalala ko yung sinabi ni ate. kailangan may ipress na stress ball, pero di ko na kaya kasi sobrang manhid na yung kamay ko. noon ko lang nafeel yun! grabe. pero para naman yun sa mga nangangailangan kaya ok n.. tapos, saglit lang ay tatanggalin na, nagtaka ako, bat ang bilis? naalala ko, yung nakasulat na amount ng blood na dapat ko lang idonate. at ayun! tapos na! gaan sa pakiramdam. haha. try niyo din! masaya!ü

überness! (Dec 24, '08 2:07 AM)

BIGAY PUSO 12.24.o8
super HELP.super BONDINGS.
and i super miss my HS FRIENDS!

grabe, umaga palang super pagod na. buhat to death ang drama ng mga woodrigeans at alumni. as usual, girl power na naman dahil super laki ng lamang ng bilang ng mga girls kesa sa mga boys. pero ok lang! masarap tumulong. sobrang nag-enjoy ako kasi nakakatuwa, kahit yung mga super bata pa, nagbubuhat just to help. imagine, at a young age. nakakatuwa diba? kahit kami, tatlo tatlong pairs ng plastic ang binubuhat at sila ay isang pair lang hati pa, mabibilib ka talaga sa kanila. as in SUPER!(love the word!ü). iba talaga ang woodrigean spirit! kaya lang may mga di talaga maiwasang kainisan. may mga tao kasi talagang di bukal sa puso ang pagtulong. ultimo mga bata pinapatos. bastusan. haha. sigawan ba ang mga bata. eh hangad lang naman nilang makatanggap ng mga biyaya eh. konting laruan lang ang hinihingi nila. tapos sisigawan pa. tsk2! haha. galit na ako.ü ahaha. basta ako masaya dahil nakatulong ako. kahit super basa na yungKILIKILI ko! haha. kadiri. nakapink pa ako. halatang halata. nyahaha. di bale, nakahelp naman ako eh. masaya na ako doon..

bukod sa pagtulong, syempre may bonus pa yan na bondings!
after ng pagbibigay, syempre may karapatan naman kaming magpahinga diba? haha. so nakipagkwentuhan kami kay MS. CHREZ! may parang hot sit pa nga eh. ay salamat nga pala sa kudyapi batch '08-'09 sa spag. nabusog kami!ü at saka kay ms. chrez at jen sa soft drinks. mwah mwah! ayon, mga love life ang napag-usapan namin. haha. so many great words from ms. chrez ang nasagap namin. thanks!ü tapos ayon. dahil birthday ng kapatid ko, direcho kami sa bahay. nabusog ba kayo? haha. may nahihiya pa nga eh. si YUUKI. haha. bakit kaya siya nahihiya? nakakalungkot nga lang kasi umalis silaJEN, BHEX, JAY at TER kakagad. di tuloy sila nag-abot ni MS. SOL. sayang. namiss pa naman namin ang isa't isa. haha. di bale, magset kami ng date para sa bonding kay ms. sol. haha. excited! wahaha. na-issue pa pala ako ni ms. sol kay... alam niyo n! ayon lang..

bitter-sweet day..
-end-♥♥♥


special thanks to:
MARC
BHEX
TER
JAY
JEN
MS. SOL
MS. CHREZ
MY BROTHER AND HIS VISITORS
MY MAMA
AND MOST ESPECIALLY, TO GOD!♥