Friday, January 1, 2010

starting the year with a bang!

before matapos ang taon, syempre nagsimba muna kaming buong pamilya.. nakakagulat. ang dami kasing taon sa church. at siksikan kami sa upuan. anong result? basang kilikili.. haha.. funny talaga! di kasi ako makagalaw, no choice kundi ipitin ang lekileki! kaya ayun. share.
at after ng mass, syempre uwi na kami. at as usual, may street party dito samin. ang ingay, ang saya nila. pero nasa loob pa ako ng bahay. kasi bukod sa nagbabantay ako ng sinaing at ng nilulutong itlog ng pugo, eh nanunood din ako ng PBB then BOF! haha.. kinlig nga eh! then after, napagdesisyunan ko ng lumabas. una nahihiya pa ako. mahiya din eh. haha. pero nung tumagal din, okay na. nakisali sa bring me. may 40php ako! haha. tapos, may nagsaboy ng pera. dati puro barya lang. asenso ngayon may 20php. haha.. naka isang daan din ako. haha. parang bata, masaya na sa barya. hahaha.
tapos, putukan na! 12 na eh. halos lahat kaming kabataan sa street namin ay umakyat sa may kubo. bawat sulok na ibaling mo tingin mo, puro fireworks! ganda! sabi nga ng isa kong kababata, "nakaka-overwhelm!" haha.. at sabi pa nung isa, "kayo na mayaman! kami na nakikinuod lang!" hahaha. funny! ang saya talaga! tapos tumalon kami ng sabay saby. yung tipong lulubog na kami. yung parang masisira yung rooftop! haha.. nagpicture picture din kami. kaya lang wala pa akong kopya. yung kinunan kasi ni mama malabo eh. sayang! haha.
pagbaba namin, nagkayayaan. uminom kami. first time ko mag pale pilsen. haha. sa kalye! ang saya eh. tipsy. lagi naman eh. haha. pero di ako lasing. until dumating ang bacardi! iba eh. sinukuan ko. hahaha. during inuman, nagpapatawa isa naming kababata na babae. kulit eh. di naubusan ng banat. haha. tapos inalala namin mga happenings nung bata pa kami. although di na ko masyado makarelate, gora parin! haha. kulit eh. naalala ko pa dati, pag street party, kami yung sumasayaw. sinayaw pa nga namin dati yung get down eh! haha. wala lang. namiss ko lang. tagal din namin nagbonding! inabot ng mga alas kwatro! haha. di pa tapos ang araw, may mamaya pa!:D

since it is the end of the year...

since end na ng year, naisipan kong gumawa ng blog.. i have never tried this before. siguro sa multiply lang.. pero di ko na-enjoy kaya i stopped. pero hopefully, araw araw ko ma-update tong blog ko ngayon.. well, i've decided to blog, kasi feeling ko, maganda tong outlet pag sad or may problem ako. okay din to kasi mababalikbalikan ko mga good or bad memories, mga learnings, at kung anu-ano pa.. for now, yun na lang muna.. sana matuto akong mag-edit ng blos ko.. haha.. happy new year!