Saturday, April 28, 2012

Supportive

Ang saya ko lang. Ang swerte ko eh. Kasi di lang sa saya ko nakakasama mga kaibigan ko. Di lang puro kalokohan. Nanjan sila lagi for me. Kahit minsan may tampuhan o di mapagkasunduan. Nakakatuwa lang talaga. Ramdam na ramdam ko kasi na mahal nila ako. I'm blessed to have met them. :)

Kanina, sinapian ako ng kung ano man. Nagtext ako sa friends ko na bigyan nila ko ng kalandian, kaflirt, kaharutan, haha. Laking gulat naman nila kasi not so me talaga! At take note, seryoso ako. haha. Ang mas nakakatuwa, yung mga binigay or balak ibigay ay yung mga matitino. Tae, edi di ko malandi! haha. Ang sweet nila kasi supportive sila pero mafefeel mong inaalagaan ka nila. Tinawagan pa ko ng boyfriend ng Precious friend ko pala icheck ako. haha. ang sweet eh. Basta, mahal ko mga kaibigan ko!!

^___^

Friday, April 27, 2012

Mighty Bond!

Dahil mukmok days are over, I spent time with my Precious friend! haha. Bakit mukmok days? Eh kasi two days ako nasa kwarto lang. Emotera ang drama. Nag-iisip, nag mumuni-muni... At dahil OA na kung mag-eextend pa ang mukmok days ko, nakipagkita na ako sa friend ko! hahaha. Dalawang araw din naurong to noh! At nagtampo siya. hahaha. Bawi-bawi din si ako. hoho.

Anyare sa bonding namin? Wala masyado. Kwentuhan lang, adbays adbaysan, nasermonan pa ko! haha. Sobrang laking himala nun kasi madalas na ako yung nanenermon. Nagpaliwanagan na din kami at nag-open ng kung anu-ano. All in all, masayang araw! Natuwa ako kasi namiss ko talaga si Pre'. :)

Kaya lang sabi niya ang taba ko. harhar. Di daw halata na di ako masyadong nakain. Na minsan one meal a day ako. Nakakaboost ng self-esteem! :p

Do I really look fat??

Thursday, April 26, 2012

Love Sucks

Don't get me wrong. I don't hate "love". Hindi ako bitter. In fact, I love being in love with the feeling of being in love! haha. Mabuang ka sa pag-iisip kung anong ibig sabihin ng sinabi ko. :)

Kaya lang naman ganito title ng blog ko kasi nakakaloko yung wallpaper ng laptop ko. Eto oh! hahaha. Ang gwapo ni Dr. House! Pero hindi tungkol sa kanya tong blog na to.

Ang blog na ito ay tungkol sa pagiging emo ko. haha. Oo, malungkot nga ako. Eh tanga eh. haha. Dapat nag-expire na yung pagiging malungkot ko kahapon. Kaya lang, mukhang nag-extend. Pakshet lang. :)

Bakit ako malungkot? Kasi...basahin niyo nalang yung previous blog ko. Tinatamad ako magkwento eh. Basta malungkot ako.

Kahapon, naglaro ako. Ay nakipaglaro pala. Ang title ng laro ay, "Tara, laro tayo! In-lab in-lab-an. Ang ma-in-lab talo." Pero di naman talaga tungkol sa love yung laro. Trip ko lang na gawin yang cover photo. Eh kasi it fits! haha. Love is a game. Laro kung saan walang nananalo. haha. Tulad ko, laging talo! Hindi dahil ako yung unang na-iin-lab kundi dahil ako yung naiiwan na nagmamahal. Yung kalaro ko, moved on na samantalang ako malayo pa sa process ng moving on. haha. Ever since, ganito na talaga ang kalakaran ng punyetang pag-ibig sa buhay ko. Kaya di niyo ko masisisi kung guarded ako, kung marami kayong babasagin na barrier bago tuluyang makapasok sa buhay ko. Ganun talaga! haha. Kaya lang, tanga. Madali ma-fall eh. Boba. Di ginagamit utak. Yan tuloy, nasasaktan ako. Tangna. haha. Kawawa tuloy yung susunod na mapapalapit sa akin. Kasi super duper over sa major extra guarded na naman ako. Kaya para sa iyo na darating palang, GOOD LUCK! At sana naman di ka sumuko agad. :) Yun lang.

Wednesday, April 25, 2012

Thank You

For the longest time, I've been praying for a person who will make me feel giddy. Yung magpapakilig ba. Marami naman nang pinadaan si God pero, halos lahat pang dalawang araw lang. Panandaliang kilig. Until you entered the scene. Ewan. Kahit nga siguro wala kang gawin o sabihin, pinapakilig mo ko eh.

You make my eyes twinkle, sabi nga ng pinsan ko nung minsang mahuli niya kong may ka-chat. You make me smile for no valid reason, sabi ng GF ko kasi para daw akong baliw na OA ngumiti eh wala namang dahilan. You make me feel crazy, kasi away tayo ng away kahit walang matinong rason tapos magdadramahan, maglalambingan (kahit ikaw lang naman talaga yung sweet) o kaya mag-aasal bata. Nakakabaliw na experience ang pakikipag-usap sayo.

You're a friend. A very close and a true friend. You're a Kuya-slash-younger brother (minsan kasi feeling ko mas matanda ako sayo. haha). You're my crush (oo na, crush na kita. binabasa ko palang yung story mo, crush na kita. so technicaly, nauna ako sayo. haha!). You're someone I like. Someone I really like! Deeper than a-girl-likes-a-boy "like". I like you as a person. You're someone I love. Sabi ko nga sa friend ko, ikaw yung taong mamahalin ko na hinding hindi ko titigilang mahalin.

We've known each other for more than a week. Oo, saglit lang kung tutuusin pero, parang ang tagal na. Parang dumaan ka lang eh, tapos mukhang aalis ka na agad. Parang "Hi-Bye" lang. More than one week that I will never forget. "Hi-Bye" encounter that I will always cherish. Friends parin naman diba? Marami nga lang magbabago. Mamimiss ko yung katulad dati.

May isa pa akong prayer eh. "God. Alam mo na. Kung di talaga para sa akin. Kung walang patutunguhan. Sana wag nang tumagal." Eto na yata yung sagot sa prayer ko. Kaya thankful ako eh. Thankful kahit masakit. Thankful ako na nakilala kita. Thankful na bago pa lumalim, mawawala na. Masakit kasi maraming magbabago. Masakit kasi sabi ko sa sarili ko, "sana ako nalang yung ma-fall para okay lang. sana di ka nalang ma-fall para tulad parin ng dati." Pero di kasi ganun kadali yun. Kaya eto, goodbye na. Masaya ako na nakilala kita, na kaibigan kita, na naaappreciate mo ako, na kahit paano minamahal mo ko. Thank you!

Thursday, April 19, 2012

ISSUES

This will be an on going post. Habang tumatagal, madadagdagan o mababawasan ito.


Issues. Mga bagay na walang kwenta na humaharang para maipakita ko ang tunay na ako.Emotions, fears, assumption, beliefs, etc. that creates a barrier between the world and I.

1. Fear of heights. Bwisit to, alam niyo yun? The view from above is breath taking, tapos di ko ma-enjoy?! One time nag zipline kami, the whole time nakapikit lang ako. Dati nag Ferris Wheel kami, mangiyak-ngiyak naman ako at halos magmakaawa na matapos na yung ride. May time din na nag Bungee Jumping kami sa MOA, halos mamatay naman ako after. I love nature. Pangarap kong umakyat ng bundok, tumalon from a cliff to the sea, umakyat ng puno, and all pero di ko magawa dahil sa walang kwentang paglambot ng tuhod ko. Kahit nga pababa ng hagdan nangangatog ako eh! Biro ko nalang, "di ako makapagsuot ng high heels kasi takot ako sa heights". pero seryoso, ang dami kong gusto na di magawa dahil sa ISSUE na to.

2.Fear of insects. Common to. At dahil din dito, akala ng iba ang arte ko. NEK NEK niyo! You want sapak?!

3. I hate crowded places. Ang resulta, di ma-enjoy ang Divisoria, ang sale sa mga malls, ang LRT o MRT, ang mga parties. Di naman ako anti-social. Well, di rin naman ako friendly. Kaya lang, nakakahilo talaga pag masyadong maraming tao. Nalulula ako. Sumasakit ulo. Kaya din ayoko nang nakikipagmeet sa crowded na tao. Dapat ang meeting place ay yung mejo secluded! Joke. okay na yung mga 7-eleven or Ministop. Mas madaling magkakitaan. Pag kasi sa crowded, di ko kayo makikita at baka di ko nalang kayo hanapin at umuwi nalang ako.

4. Darkness. Ayaw ko nito. Di dahil sa duwag ako or matatakutin. I just can't see properly. Baka matumba pa ko, wag nalang! Pero kidding aside, one thing kung bakit ayoko sa dilim ay dahil di ko alam kung ano ang pwedeng mangyari. Andun yung feeling na para kang ignorante, clueless, inutil.

5. I can't stand being alone. Not the shallow definition of being alone. Hindi yung takot ako pag mag-isa, na dependent ako, na di kayang tumayo sa sariling paa. Ang tinutukoy ko ay yung feeling ng mag-isa. Yung parang walang kakampi. Yung parang walang nanjan para sayo. Di ko kaya yung maiwan. Kaya minsan tuloy, ako yung nang-iiwan. This is one of the reasons why I don't have a best friend. I have this assumption na iiwan din nila ako. Not a fact for everyone, tho. Abnormal lang talaga ako kaya ganun.

6. Attachment Issues. Connected sa number 5. When I get attached, I assume a lot. I assume na kahit anong mangyari, kahit ano pang masabi, akin ka. Not in a possessive tone, tho. Ang ibig ko lang sabihin, anjan ka lang. di ka mawawala.

7. Security Issues. Pangarap ko magkaroon ng kuya. I like having guy friends. I want a partner who's older. Kasi gusto ko secured ako. Kasi gusto ko may poprotekta sa akin. Buong buhay ko na kasing pinagtatanggol at pinoprotektahan sarili ko eh. Gusto ko naman maranasang may ibang gagawa nun para sa akin. Kaya lang, man-hater ata ako. haha.

8. I am super CAUTIOUS. Eh kasi ayoko ng feeling ng hubad. Yung lahat ng tao may access sayo. Yung parang wala kang tinatago. Kaya marami akong front. Maingat ako. Kaya lang feeling ng iba masyado akong sarado. Na ang hirap pumasok sa buhay ko. Ang akin naman, di kasi madali yun. I can't just break my barrier for you. Its a process. Darating din naman tayo dun eh.

9. Optimistic ako. Ang tanong: bakit nandito ito? Diba positive naman to? Ang sagot: pake niyo! Joke lang. Well, tama naman da good point ito for a person. Magandang bagay ang positivity. Kaya lang, sa sobrang positive ko, nakakalimutan ko na ang serious side ko. Wala nang masyadong balance. Natuwa ako masyado sa positive outlook ko na nalilimutan kong magseryoso minsan.

10. Masungit, Suplada, Mataray, Matapang, in short, INTIMIDATING ako. Daw. Sabi nila yan. Di sa akin galing. Pero I agree naman. Haha. Eh masisisi niyo ba ako kung sadyang ganito ako? Yan tuloy, maraming may ayaw sa akin. First impression kasi lagi sa akin to eh. Totoo naman, pero sana lang kinikilala muna ako. Pwede naman kasing mabawasan to eh, lalo na pag friends na tayo. Di maaalis ang ugali kong ganito, pero one day you'll appreciate these traits of mine. Hahanap hanapin mo pa pag masyado na akong mabait sayo.


***hanggang dito muna.

Wednesday, April 18, 2012

The Unreachable Star

i forgot kung kelan namin to napag-usapan. eh di naman kasi ako makarelate noon. ano ba namang malay ko jan eh wala ngang lalaking napapadpad sa buhay ko.


sabi ni Kabit Bear, meron daw siyang unreachable star. yun daw yung taong gustong gusto niya pero hinding hindi niya maaabot. itago nalang natin siya sa pangalang "Ewan". haha. wala akong maisip eh! basta, si Ewan yung tipong anjan lang pero di niya maabot. siya yung tipong kayang kaya namang abutin pero di niya makuha. na kahit pa dumating sa puntong mahahawakan na niya, hindi parin talaga kanya. thsi is not a bad thing, tho.


si GF naman, walang sinabing pangalan. hinuhulaan ko pa tuloy kung sino. si "Jelly Ace" ba, si "Bading", o may iba pa. haha. pagpasenyahan mo na yung mga naisip kong pangalan ah? basta di ko alam kung sino jan! pero alam ko naman na kilala ko yun. haha. ganun din siguro yung rason niya. katulad kay Kabit Bear.


ako, nung una, wala talaga. pero mukhang meron na. Star kasi i admire him. i idolize him. i like him. pero hanggang dun lang yun kasi Unreachable siya. i can never reach him. i can never have him. pero okay lang. i still am happy that i met him. he's my kuya sa ayaw at gusto niya. ang funny nga kasi kakakilala lang namin pero nag-away na kami. tapos wala namang matinong rason. baliw lang talaga. haha.


the reason why he is my star is because i find him smart. REALLY SMART. feeling ko lahat ng sinasabi niya, kapupulutan ng aral. feeling ko nga lagi niya akong nilelecturan eh. haha. pero sa kabila nun, he's still he. i mean, may side na baliw. may side na parang bata. may side na madrama. haha. i like his writing. i like him as a person. i like him in the same degree that i like Bianca G. kaya lang unreachable talaga eh. haha.