Monday, May 24, 2010

LIKE

nakakatawa. 

minsan pag may mga posts sa facebook, like lang tayo ng like. without even knowing na tayo pala yung pinapatamaan. 

madalas ko 'to maexperience. pero hindi ako yung taga like, ako yung taga post. tapos yung mga mismong pinatatamaan ko, sila pa talaga naglalike. minsan di ko alam kung matatawa ba ako o makokonsensya eh. 

well, hindi naman kasi ako nagpopost ng kung ano man para lang magparinig or makasakit. it's just plain opinion. bilang isa akong taong punong puno ng opinyon at komento sa buhay. 

ano ang aral na pwede nating matutunan? WAG LIKE NG LIKE! matutong mag-isip, mag-nilay o kung ano man. para naman di masyadong napapahiya. 

well, sana di pa nangyayari ever in my life na maglike ako ng post na tungkol pala sa akin. hahaha.

good night! :)