Tuesday, July 31, 2012

Blog Entry #6

July 31, 2012

Laro


Galit ako sa mga taong ginagawang laro ang pag-ibig. Yung natutuwa pag nakakapagpa-ikot ng isang tao dahil sa pesteng "kunwaring" pagmamahal. Ang daya lang nila. Sila natutuwa, nagiging masaya, at may satisfaction na nakukuha pero yung biktima nila halos mamatay na sa sobrang sakit. Ang daya lang. Bakit hindi na lang gawing fair ang larong ito? Kung una pa lang ay laro na ang habol niyo, bakit hindi kayo maghanap ng taong willing makipaglaro sa inyo? Para naman patas. Para sa huli, ikaw man o siya ang manalano ay ayos lang. Pareho naman kayong naglalaro eh. Hindi yung laging may nambibiktima at may nabibiktima. Ang daya. 
Naiintindihan ko naman na may mga rason kayo, may mga issues o kung ano man. Pero hindi kasi yun sapat. Hindi kayo dapat gumagamit ng ibang tao para lang sa kapakanan niyo. Wag kayong unfair. Wag kayong makasarili. Kung may mga issues kayo, humanap kayo ng professional help! Hindi yung inooppress niyo yung mga mahihina. Kung ayaw niyo ng professional help, humanap kayo ng mga kalaro na willing laruin yang peste niyong laro. Kung wala kayong mahanap, edi ibang paraan ang gawin niyo. Engage yourselves into activities na pwedeng maging outlet niyo. Magdrugs kayo! The hell I care. Damage yourselves pero wag kayong mandamay ng mga inosente. That's fuckin' unfair. 
Never play with emotions. Malaki ang nagagawa niyan sa tao. Pwedeng maisipan niyang magpakamiserable, magpakamatay o mabaliw. Tapos kayo masaya? Ang daya diba? Hindi naman pwedeng kayo lang ang masaya! Hindi pwedeng kayo lagi ang nananalo. And if I know, hindi naman talaga kayo sumasaya eh. Sino ba naman ang natutuwa sa mga ganyang bagay? Siguro sa una natutuwa kayo kasi nakakakuha kayo ng satisfaction. Pero di magtatagal, kakainin kayo ng konsensya niyo. Di magtatagal, kayo naman ang magiging miserable. So why toy with emotions? Walang nananalo sa lorong ito kaya itigil niyo na! Wag kayong tanga! Wag kayong bobo. You also deserve to be happy. We all do. So stop treating love as a game, bitch! 

Hindi ako galit. Nanenermon lang.

Blog Entry #5

July 30, 2012

Spiderman


Walang pakialamanan, kinikilig ako eh! hahaha. Di ko pa napapanood 'to at wala pa akong balak manood. haha. Kinikilig lang talaga ako. Wahahahahaha. Edi ako na baliw. :p
I've loved Emma Stone for like I don't know how long and honestly, I didn't know she's in a relationship with Andrew Garfield. Well, di ko nga alam na may nag-eexist pa lang ibang Garfield bukod sa matabang pusa eh. hihi. Anyhow, I love them both! As in I am so in love with them! They are so adorable and I am so in love with their relationship. In love, so in love with them! Ilang beses ko nang binanggit na mahal ko sila? haha. Wala pa sa kalahati yung sinusulat ko ahh. :)
Why do I love them? Eh kasi ang cute nila! Parang barkada lang. Parang naglalaro pero nakikita mo naman sa mga ikinikilos at tinginan nila na mahal na mahal nila isa't isa. Yung parang kahit di nila sabihin at ipakita, mararamdaman mo pa rin yung love. ADORABLE!! I love them. Ang mas nakakatuwa pa, hindi nila sinasapawan ang isa't isa. Di katulad ng ibang mga magkarelsayon na una pa lang makikita mo na kung sino ang domineering sa hindi. Sa kanila (sa nakikita ko lang ahh..) kasi parang nasa same level lang. Parang bahay-bahayan lang eh. haha. Tapos ang cute kapag nilalait nila isa't isa. Ang cute ng lahat sa kanila. Basta! I love their kind of relationship.One more thing, they don't really care whether they look stupid or crazy or whatever! Individually, the are admirable persons and together, they are THE BEST! haha. Parang they are really meant for each other. Ang ganda lang ng ganung relationship. 
Inggitere lang. Gusto ko kasi ganun lang na relasyon. Yung parang joke lang pero hindi. Yung sa paningin ng iba parang nagbabahay-bahayan lang pero between us pang forever talaga. I want a cute but serious relationship. Gusto ko ng lalaki na sasakyan lahat ng trip ko sa buhay pero magiging seryoso din kapag gusto ko ng matinong kausap. Gusto ko ng lalaking katulad ko lang. Baliw pero may sense. Gusto ko ng relasyon nila Emma and Andrew. In short, inggitera talaga ako. hihihi. 

Blog Entry #4

July 27, 2012

Naiiyak Ako


Anong bago? Eh iyakin naman talaga ako. Iyakin. Sobrang iyakin. Bagay na kahit kailan hindi ko mababago, hindi maitatanggi. Bagay na gusto ko mang pigilan, di ko magawa. Masyado lang talaga akong emosyonal na minsan kahit ang babaw, iniiyakan ko pa rin. Umiiyak pag masyadong natutuwa, naiiyak pag kinakabahan, naiiyak pag nalulungkot, naiiyak sa kahit anong kababawan man ang mangyari. Ganyan ako kaiyakin.
Pero ngayon, hindi sa mababaw na dahilan ako naiiyak. Ngayon, naiiyak ako dahil sa lumang issue na nasasaktan ako. Naiiyak kasi naaalala ko yung mga panahon na nakilala kita. Naiiyak kasi namimiss na kita. Sorry ah? Sorry kasi alam kong ayaw mo na iniisip at namimiss pa kita. Sorry kasi di ko mapigilang malungkot sa tuwing ikaw ang naiisip. Sorry kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang kalimutan ka agad. Sorry. 
Ang hirap kasi. Yung nasanay ako na araw araw kausap o katext kita. Yung nasanay na ako sa presensya mo, na kahit di pisikal ay ramdam na ramdam ko naman. Yung naging parte ka na ng buhay ko at tumatak na sa sistema ko. Ang hirap lang bitawan nung pagmamahal na meron ako para sayo. Ang hirap. Sobrang hirap.
Ang lalim kasi, Kuya. Oo nga't saglit lang pero sa maikling panahon na yun, ibinuhos ko lahat. Tanga na kung tanga. Mali na kung mali. Nagmahal lang naman ako eh. Sabi ko nga sa iyo at sa  mga kaibigan ko, minsan lang ako magmahal kaya itotodo ko na. Minsan lang din naman ako magpakatanga kaya go na lang. Tsaka wala din naman akong pinagsisihan. 
May mga natuwa para sa akin at meron din namang hindi. Mga natuwa kasi sa tagal nila akong nakasama, ngayon lang ako naging masaya to the point na nagniningning ang mata. At mga hindi natuwa kasi alam nilang mali ang pinasok ko, na nakakadisappoint knowing me na hinding hindi nagtotolerate ng mali. Sa panahon na naging parte ka ng buhay ko, naranasan kong matuwa, masaktan, magmahal, makutya, majudge, at kung anu-ano pa. Pero wala naman talaga akong pakialam nung mga panahon na yun. Ang importante lang sa akin ay masaya ako at may minamahal. Naging selfish ako for a while kasi gusto ko din namang makaranas na maging masaya at makadama ng pagmamahal.
Yun nga lang, hindi talaga pwede. Bukod kasi sa maling mali, marami pang hadlang. Hadlang na alam mo at alam kong hindi ko kakayanin. Bagay na siyang kahinaan ko. Bagay na kahit kailan, hindi ko mahahandle. Pero alam mo, naisip ko na gusto kong kayanin. Na gusto kong subukang maging malakas. Para sa iyo. Para sa iyo willing akong subukan. Willing akong masaktan ng sobra sobra. Willing akong maghintay hangga't may hihintayin. Para sa iyo wala akong pakialam kahit madurog man puso ko pag dumating yung araw na yun.
Pero sa tingin ko, hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging lakas mo. Hindi ko kayang alalayan ka. Hindi ko kaya kasi mahina ako. Mahina kaya ayaw kong maging pabigat sa iyo. Alam ko naman kasi na darating ang panahon na dahil sa karupukan ko, pati ikaw ay manghihina. Pati ikaw madadamay. Kaya kahit masakit, sige na lang. Mas kaya ka kasi niyang alalayan eh. Mas kaya niyang iprovide mga kailangan mo. Mas malakas siya kesa sa akin. Mas kailangan mo siya.
Masakit. Sobrang sakit pero ito talaga yung tama. Siguro dumaan ka sa buhay ko para makaranas ako ng saya at makaramdam ng pagmamahal. Siguro dumaan ka sa buhay ko para turuan akong maging malakas. Siguro dumaan ka lang talaga sa buhay ko at hindi nakatadhanang manatili dito. Siguro ganon nga. Pero kahit na saglit ka lang na dumaan, habang buhay ka nang nakatatak sa puso't isipan ko. Hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sa iyo. Siguro huhupa ang pag-aalab ng puso ko sa iyo pero hinding hindi mamamatay ang apoy ng pagmamahal ko. Gaya ng sabi ko dati, ikaw yung taong habang buhay ko nang mamahalin.
Naiiyak ako. Naiiyak ako at alam kong yun lang ang kaya kong gawin. Iiyak na lang ako. Iiyak hanggang sa mapagod ako at sumuko. Hahayaan kong masanay ako sa lungkot na ito para sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon ay puro masasaya na ang magiging alaala ko.

Blog Entry #3

July 25, 2012

Pag-ibig


"The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return." -- Moulin Rouge.
I was watching the film and got really fascinated by it. Apart from the grandiosity of the set design, the costumes, the choreography, the songs, the act and the script, I was bewitched by the portrayal of "LOVE"
Mababaw kasi minsan yung pananaw natin sa pagmamahal eh. Konting di pagkakaintinidan, sinusukuan. Konting problema, katapusan na. Yung mga bagay na madalas nating ireklamo, wala yun kung tutuusin sa mga naranasan na ng iba. Walang wala, pero anong ginagawa natin? Nagmumukmok, sinisira ang kinabukasan, at ang pinakamalala ay tinatapos ang buhay. Mali. Maling mali. Oo pwede tayong masaktan, pero hindi iyon ang katapusan. Oo pwede tayong mabigo, pero isa itong aral kung saan pwede tayong matuto.
Maraming hadlang sa pag-ibig. Maraming epal. Nariyan ang oras na kapag hindi naibahagi, nauuwi sa ayawan na lang. Nariyan ang distansya na kapag hindi naitawid, sinusukuan ng nakararami. Nariyan ang hindi pagkakaintindihan na kapag hindi naayos, kayang lumikha ng gyera. Nariyan din naman ang mga magulan na minsan ay kumukontra, mga kaibigan na maraming sinasabi, mga taong dumadaan para lang manggulo, mga tao na kapag hinayaan nating pumagitna sa pag-ibigan ay lubhang makakasira. Maraming hadlang at marami ring epal, pero ang pinakamatinding kalaban ay ang kamatayan. Kapag ito na ang humadlang...kapag ito na ang umepal...kahit anong paglaban...talong talo ka na.
Marami mang hadlang, epal o kalaban, mayroon din naman tayong pwedeng kapitan. Nariyan ang isa't isa at higit sa lahat, ang Diyos. 

Blog Entry #2

July 25, 2012

Ayoko ng Boyfriend


I've read a blog in tumblr which really caught my attention. At gusto ko sanang gumawa ng version ko. haha. Inggitera lungs...
"No. I don't want a boyfriend who's gunna give me his sweater when I'm cold. He'd freeze his ass off. No. I don't want a boyfriend who will pay for everything I want. That's what my job's for. No. I don't want a boyfriend who calls me at 4am telling me he misses me. I'm sleeping, and he probably wants to be too. No. I don't want a boyfriend who is going to drop every corny line in the book. I just want someone sincere and truthful. I don't want your fairy-tale boyfriend who will sweep me off my feet. I just want a boyfriend who loves me for me, for every mistake and scar." -- Source: cherry-cheesecake
Ayoko ng boyfriend na parang Prince Charming sa fairytale. Hindi naman kasi ako prinsesa at mas lalong wala kami sa fairytale.
Ayoko ng boyfriend na gagawin ang lahat para sa akin. Tanga ba siya? Di naman ako baldado at kayang kaya kong kumilos.
Ayoko ng boyfriend na sobrang talino. Ayoko talaga. Baka kulang ang isang araw pag nag-argue kami.
Ayoko ng boyfriend na sobrang bait. Magmumukha lang na ako yung bitch.
Ayoko ng boyfriend na mayaman at bibilhin lahat para sa akin. Utang na loob! Di ako materialistic na tao.
Ayoko ng boyfriend na father material. May tatay na ako. Di ko na kelangan pa ng isa.
Ayoko ng boyfriend na bata. Hindi na nga pantay yung level ng thinking ng mga babae at lalaki, hahanap pa ako ng sakit ng ulo para mag-yaya?
Ayoko ng boyfriend na papatay o makikipag-away para sa akin. Ayoko mabyuda agad. At kung kilala mo, you'll know that I want to handle my fights on my own. 
Ayoko ng boyfriend na malaki katawan. Takot ako sa bouncer. Saktong muscles at abs lang, pasok na!
Ayoko ng boyfriend na sobrang gwapo. Hindi ako madamot pero ayoko din naman na madami akong kaagaw.
Ayoko ng boyfriend na perfect. Hindi kasi tayo bagay. Tsaka hindi ka kasi tao.

ANG SAYA NITO!! :)

Blog Entry #1

Jully 22, 2012

Buhay Estudyante ng Mahusay na Si A-ne


Ika-22 ng Hulyo, taong 2012. (Pagbigay. Di ko alam tagalog ng 22 eh.) Unang araw ni A-ne (tama, ang basa dyan ay aaa-neh) sa kanyang pagbabalik estudyante. Nag-enroll kasi siya sa isang review center para may maisagot sa exam na gaganapin sa Disyembre ng kasalukuyang taon. And exam na iyon ay magiging pinto niya sa pag-abot sa kanyang pinapangarap na propesyon. Ayoko na ng malalim na tagalog. Kay hirap!

Ayon nga, first day ni A-ne sa review classes niya at hulaan niyo kung ano nangyari? (pause for a few minutes...) Tama! Dahil mahusay siya, late siya. Hindi lang 5 minutes, hindi din 15, hindi din 30 at higit sa lahat, hindi isang oras. Alam niyo kung gaano siya ka-late? (wag na kayong mag-pause kasi pampatagal lang.) Hindi niya alam ang eksaktong bilang ng oras ng pagka-late niya, basta more than 1 hour. Hanep di ba?!

Gabi bago ang nasabing PINAGPALANG araw, kinakabahan na si A-ne. Andami niyang concerns...andaming ek-ek. Kesyo hindi siya marunong magcommute, hindi siya marunong mag-aral, at kung anek-anek pa! Kay arteng nilalang. Bago siya matulog, inayos na niya lahat ng gamit na dadalhin niya. Yung "yellow card", lapis na number 2, puting eraser, pulbo, alcohol, notebook, planner, mekap (shortcut ng make-up), wallet na may pera, ID, at kung anu-ano pa. Pero wag ka, inulit niya din lahat bago siya umalis ng bahay.

Nagising siya ng maaga kahit hindi naman siya nakatulog ng matiwasay. At dahil nga hindi sapat ang tulog, nakatulog ulit siya! Sayang yung inalarm eh. Baliw lang. Tapos nag-ayos na siya ng kakainin niya kasi importanteng may laman ang tyan para may pumasok sa utak, di ba? Tapos, naligo na siya ng mabilis, nagbihis at kumain. Marami pang nangyari, nakakatamad lang i-type. haha

Nang makarating siya sa sakayan ng mga van papuntang Lawton, sinwerte siya! kasi siya pa lang ang magiging pasahero ng L-300 na nakapila. Aba'y pinagpala! Sakay. Hintay konti. May isa pang sumakay. Ang tagal. Bumaba yung isa, nakakita ng jeep pa-Baclaran. Ang gaya-gayang si A-ne ay sumunod naman. Aba'y sinuwerte! Nakarating siya ng Baclaran ng mga 7:30 na. Naiiyak na siya kasi trenta minutos na lang at late na siya. Pero nanalig siya't nanampalataya. Sumakay ng FX papuntang Lawton at Yahoo! Trapik. Punyemas na mga nagrarally na yan. Ang tagal nilang nagposing sa ibabaw ng fly over sa may San Juan de Dios. Kaloka! Naiiyak na naman siya pero sabi niya, "Kaya ko 'to! Kahit ma-late ako ng 15 minutes ayos lang. Sana nga lang di lang ako ang late." Dininig ng Diyos ang panalangin niya. Umandar na ang mala-pagong na FX at sa wakas, nasa Lawton na siya! At sa wakas, alas otso na!. Mabuhay!

Masaya pa siya kasi hindi siya nawala. Mantakin niyong nakarating siya sa paroroonan ng di nawawala? Galing eh! Late nga lang. Ang bilis niyang maglakad. Paakyat ng overpass na lampas sa Morayta at papunta sa Building ni Dona Amparo. Yehey! Nakarating siya! Good news, di siya nag-iisa na late! Isa pang Good news! Alas siete pala ang call time niya....

At least nakapag-exam siya. At least nairaos niya. Na kahit nagkandaleche-leche ang umpisa ng araw niya at sobrang sakit ng katawan niya pagdating ng gabi, naitawid niya ang araw na ito. Salamat! :)


Ang mahusay na estudyanteng si A-ne,
BOW!

Wednesday, July 18, 2012

On Having a Boyfriend


Viber.
Wednesday.
July 18, 2012.
Minutes before nine in the evening.

B: Parang ayoko muna ng boys sa buhay ko sa ngayon. I mean, gusto ko muna mag pahinga. Haha!
C: Sabagay. Mas masaya single. Less complications. Less stress.
B: Nako. Baka kaya di ka nagkaka boyfriend, lagi mo sinasabi, "mas masaya single." Di ka tuloy ni God binibigyan ng boyfriend. Masaya ka naman pala ng ganyan. Hahaha! Peace.
C: Mas alam ni God kung ano nararamdaman ko kesa sa akin. :p

A conversation with my bestfriend. Funny that it sounds so familiar. I recall that back in high school, I've said the same thing -- "Mas masaya single," and I've always been saying that since then. May blog pa nga ako entitled "Single Yet Happy" eh. Not that I fear commitments or relationships. I just thought na pag single, less ang stress at complications. Kasi basically, sarili mo lang iintindihin mo.

I have also thought about what she said na "di ka tuloy binibigyan ni God ng boyfriend" before pa niya sabihin. Honestly, naisip ko na baka nga wala kasi lagi kong sinasabi yun. Since that realization, I changed my prayer into "Lord sana may dumating din na magpapakilig sa akin." And if you've read my previews posts, makikita niyo na meron namang mga dumating kaya nga lang di nagtatagal. I've changed my prayer again into, "Basta Lord, alam mo na. Pag hindi siya, sana wag nang tumagal." Tinutupad Niya naman. haha. I've fallen in love pero dahil alam Niya na di yun ang para sa akin, di na Niya pinatagal.

Again, I do not fear commitments nor relationships and most especially, I am not a man-hater. I'm just not fond of investing feelings into something that I know will never last. Sayang sa energy! Sayang sa oras. Surely, I've tried to hangout or flirt a little pero bumabalik pa rin sa "ayoko ng short-time lang... ayoko ng laro."

Bottom line? Hindi sa ayoko sa lalaki o sa relasyon, ayoko lang talaga na pumasok sa sitwasyon na panandalian lang. Kung darating, go! Kung hindi, steady lang ako. But as of now, I would rather be on my own. I don't think I'm capable of giving chances to anyone. Not yet... not now... not soon. When? I don't know! Who are we to know? Darating din yan. At kung dumating, sana yun na.

Monday, July 9, 2012

A Year Older

Isa na naman taon ang nadagdag
Edad ko ngayo'y nakakabagabag
Kung noon ay atat tumanda
Ngayo'y nag-aasam sa muling pagkabata
Ngunit ako'y nang-eechos lang
Pagkat sadyang lakas trip lang. 

hohoho. :p
HBD to me.
Well, inexpect ko na "JUST Birthday" lang at hindi "HAPPY Birthday," pero naging masaya naman ako sa araw ko na ito.
Woke up early to attend a gathering of CFC at doon na rin kami nagsimba.
After a long time, ngayon na lang ulit ako nag 'mascara' bilang nasira ko yung sa akin. haha
First time ko ulit mag-ayos ng maayos. (Ano daw? haha)
Ngayon na lang ulit ako nakasaksi ng meeting ng KFC. Nakakamiss!
Ngayon lang ulit ako namaos sa kakavideoke.
Ngayon lang wala ako masyadong bisita. (Awww..)
Kulang, pero masaya. :)
And here are some moments captured for the day.

Bortday Gurl! (Yuck, ang jeje ko. haha)

Simpleng handa. (Ako gumawa nung Carbonara!! :D)

KFC. (Hindi yang fastfood chain ahh. Kids for Christ yan. Ay actually, ROCK yan. Reach Out Christ to Kids ata ang meaning. Not sure.)

Whatever Faces with my Bro!

Ipilit ang pagkanta at pagtawa ng sabay. Namaos tuloy. (Ew! Kita tan line ko sa legs. haha)

Lafang lang ng lafang. :)

At syempre, mawawala ba ang birthday wish/es? Eto ang mga gusto ko sa panibagong taon ng buhay ko.
1. Ang sumexy. Ng bongga! I want my body to be as toned as Iya Villania's. Ambisyosa lang. :)
2. Lipsticks of all shades. Ang OA. haha. Pero sana makabili pa ako ng madaming lipstick. 
3. Pumantay na kulay ng legs ko. Kapika na yung tan line ko eh. haha
4. Maging maayos ang pagrereview ko at eventually makapasa sa NMAT.
5. Makapag-enroll next sem para sa mga kailangan kong subjects for med. At makapag-med na!!!
6. Magkaspecial someone. Pero sana yung tatagal at kung pwede yung siya na talaga.
7. Maka-uwi si BexFriend ko. :)
8. Maging healthy ako at ang mga minamahal ko.
9. I wish that my life would matter. 
10. Maging masaya. Masaya in all aspects of life.

Gusto ko din magshare ng mga kakatwang kwento sa araw na ito.
*Pag bente-uno na, usapang pagpapakasal na ang nagaganap? Naloka lang naman ako sa usapan namin kanina bilang tungkol talaga yun sa akin at sa pakikipagrelasyon ko. haha. Eh ano ba? Hindi naman sa di ko inaasam magkaboyfriend at mas lalong hindi ako nagmamadali. Sabi nga ni Tita, "wag madaliin at i-enjoy muna ang pagkadalaga." Korek!
*Pag-uwi sa Ilocos. Di naman nakakatawa. haha. Kaya lang nakakatuwang asarin yung pinsan ko eh. Kitang kita sa mukha niya yung inggit nung sinabi namin na sasama kami papuntang Ilocos eh. Lakas trip talaga ako.
*Videoke. Kaloka lang. Namaos ako at sumakit ulo ko eh. haha. Pagsabayin ba naman ang pagkanta at paghalakhak ng parang walang bukas eh. :p
*Ang lungkot ko. Oo, nakakatawa yun. haha. Kasi lagi akong malungkot pag birthday ko. Pag month of July, in general. Ewan ko din. Siguro kasi malamig at maulan. Seasonal Affective Disorder a.k.a Winter Blues! Arte ko lang. haha


Yun na muna. Basta masaya naman ako kahit hindi kumpleto ang kaligayahan. Baliw lang eh, 'no? haha. Kasi naman. I feel incomplete. Parang ang sabaw lang ng buhay ko. Nagbabalik-tanaw kasi ako, tapos parang wala pa akong nararating. Alam ko, bata pa ang bente-uno para sa mga iniisip ko at di dapat ako nagmamadali, kaya lang kasi gusto ko yung mararamdaman ko na tumatatak ako sa mundo. Tsaka parang ang dami ko dapat na ginawa na di ko ginawa. Hay. EMO! haha. Basta, I should be a better person lalo na't di na ako bumabata. I should start planning. I should regulate my being "bahala na" person. Wahhhaahhhh!!! At maging masaya dapat ako dahil sa sarili ko at wag sa iba maghanap ng kaligayahan. I should also be independent. Mahirap na, di ko pwedeng kapitan ang mga tao sa paligid ko sa lahat ng panahon. 

A year older and hopefully, a better me. 
:)

Saturday, July 7, 2012

Happy Happy Birthday!

9th of July 2012
Di na ako dadaldal. Eto na 'to. Pictures agad! :p







Yun lang. Baboosh! Had fun. Good food. Awesome people. Nice drink.
Happy Happy Birthday sa pinsan ko~! :)

Friday, July 6, 2012

At The Top

Lahat naman ata inaasam na makarating sa rurok ng tagumapay. Maabot ang matatayog na pangarap. Makamtan ang matagal nang hinahangad. YUCK! Ang lalim lang. haha.

I guess I am not one of these people -- striving for success. Not that I do not want to succeed. Its just that I never desired to be on top. There have been lots of opportunities for me to be there -- on top -- pero choice ko na magsettle kung nasaan ako. Bakit? Eh kasi ayoko ng pressure. Ayoko ng stress. Ayoko yung ipipilit ko at gagawin ko lahat para lang makuha yung kung ano mang gusto ko. Kung ano marating, keri na lang!

Mediocrity is the term. I know I can be a lot better, but then I choose to be just good enough. Yung iba nababaliw at nafufrustrate kasi di perfect ang lahat pero ako, hindi. Ay mali! Oo, nababaliw din ako at naghahangad ng perfect kasi subconsciously, perfectionist din ako. Ang kaso, di ako yung tipo na nagsastrive  to get perfection. I value mistakes. I embrace flaws. Kasi alam ko na in that way, I will learn. Pero narealize ko na mali rin. Hindi ako dapat nagsesettle sa ganito lang. I should dream big and at least strive harder to achieve what I dream of. Pressure's fine and so is stress, as long as you can handle it. Gaya ng pag-value at pag-embrace ko sa mistakes at flaws, I can learn a lot from pressure and stress.

In conclusion, "At The Top" is kind of cool. I should try to be there someday! :)