Monday, February 27, 2012

Kahit si Superman, May Kahinaan

I grew up to be a tough person. panganay ako eh! inborn na ang pagiging bossy at strong. wala naman kasi akong ibang matatakbuhan kundi sarili ko. wala akong masusumbungan na mas matanda sa akin. i may be teased, bullied or whatever pero kaya ko. some call me mataray, suplada, or even "leon" at wala akong pakialam kasi totoo naman. yung iba ilag sa akin kasi nga suplada ako. meron din ingat na ingat na di ako mapikon kasi nga mataray ako. at mas lalong may mga ayaw akong magalit kasi para daw akong leon. someone even told me before na nakakatibo daw yung pagiging brave ko. i got flattered. pero minsan naiisip ko, is being tough an advantage or not? well actually, pareho. its a good thing kasi in a way, hindi ka na gugustuhing taluhin ng iba kasi alam na nilang matapang ka, na wala kang inuurungan. pero on the other hand, may part na nakakainis kasi akala ng iba na okay lang, na kaya mo pero yung totoo, nahihirapan ka din at nasasaktan. syempre tao ka rin naman at may hangganan. siguro nga matapang ka at matatag pero damn! si superman nga may kahinaan eh. ikaw pa kayang walang kapangyarihan??

ang sarap lang minsan namagtapang tapangan. yung tipong pinapaniwala mong kaya mo lahat. yung feeling mo di mo kelangan ng tulong ng iba. pero darating din sa point na mapapagod ka. lalo pa't ang natamaan na ay yung kahinaan mo. yung tipong ayaw mo nalang magsalita kasi mas dumidiin yung kung ano mang nakatarak sayo na sanhi ng pagkahina mo. ang sakit lang. lalo na kung yung kahinaan mo ay yung mga nakapaligid lang sayo. yung mga di mo maiwasan. yung mga pinapahalagahan mo. ang hirap lang. gusto mong umiyak at yakapin ang kahinaan pero hindi eh. kasi sa huli, sarili mo parin ang kakapitan mo kaya bawal maging mahina. tapang tapangan lang hanggang sa makumbinsi mo rin ang sarili mo na kaya mo. na malalampasan mo.

oo may kahinaan ako pero...kaya ko!
malalampasan ko to!
matapang ako! 

Saturday, February 25, 2012

To My Truest and Bestest Friend

hihihi. perstaym. i addressed you as my best friend. haha. :P


ayun. this is a letter. sa maniwala ka man o sa hindi. at sorry kung ang public. haha. bakit ba. :) miss na kita, alam mo yun? haha. yeah, we may see each other sometimes pero kasi iba parin eh. minsan kahit magkasama tayo, miss parin kita. kinikilig ka ba? haha. joke. pero seryoso kasi na miss na kita. at alam ko rin naman na miss mo na ako. hihi/ sorry na. busy kasi tayo. tsaka ewan, parang tanga. feeling ko ang cold natin. feeling ko nga may tampuhan tayo eh. or feeling ko lang yun? haha. ambaduy kasi pero gagamitin ko yung line na "so near yet so far" to expalin our situation. tss. bading! gets mo ba? kasi minsan kahit magkasama na tayo parang ang layo parin? di ko din alam kung bakit pero yun talaga nafefeel ko eh. kaya sobra tuloy kitang miss. minsan gusto kitang yakapin ng sobrang higpit at halikan sa cheeks o kaya sa ulo pero di ko magawa. nahihiya ata ako? haha. pero ganun kita kamiss! sana ikaw din. haha

tapos. minsan kahit magkausap tayo feeling ko may mga gusto tayong sabihin pero di natin masabi. tss. naiinis nga ako kasi minsan pakiramdam ko tayo yung huling nakakaalam sa mga pagyayari sa buhay nating dalawa eh. kalungkot lang. i know its partly my fault. di na ako masyadong nakakapagshare ng mga bagay-bagay. tapos ikaw din. hay. tapos aalis ka pa! tss. wag na kasi. naiiyak na tuloy ako. hahaha. as in at this moment teary eyed na ako. haha. ayoko na tuloy to ituloy. tss. hahaha. pero pipigilan ko. haha. katawa! ehhh!!! wag ka na umalis, please? dito ka nalang samin tumira. libre tira, pagkain, tubig, kuryente and all. pwera allowance. hahaha. sige na!! ^__^

ayun. i feel like saying sorry din. hmm? sa mga bagay na nagawa ko or di ko nagawa. sorry kung busy busihan ako. sorry kung lagi akong di pwede. sorry sa hindi ko pagrereply. sorry sa hindi ko pagtetext. sorry kung wala ako sa mga panahong kailangan mo ako. sorry kung ang sungit ko. sorry kung suplada ako. sorry kung seryoso ako. sorry kung nakakainis ako. sorry kasi mejo nagtatampo din ako. haha. kahit wala naman dapat ikatampo. tss. miss na kasi kita! naiinis ako kasi parang may wall sa atin. di mo ba nararamdaman? gusto ko yung mawala eh! gusto ko kung gaano tayo ka-open sa iba nating friends ganun din tayo. tss. naiiyak na ko!!!! sorry na. basta. alam mo namang ang hirap para sakin magsorry diba? haha.


tapos ano. haha. mahal kita. huhu. naiiyak na ko. haha. siguro di talaga ako marunong magpadama ng love ng konti pero mahal kita. kaya kita laging inaaway at pinapagalitan kasi mahal kita. huhu. nakakalungkot kaya na minsan wala ako pag down ka. hay. basta. di ko din alam kung paano ako makakabawi pero basta. haha. nonsense. di ko kasi mapapangako na lagi akong anjan physically para sayo. pero andito lang naman ako. di mo man madama, andito lang ako for you. haha. bidang bida ka kaya sakin pag nag-uusap kami ng mga friends ko. haha. katawa na kaiyak. wag ka na umalis ahh. :)

yun lang. ayoko na magsulat. di ko na kaya. wahaha.



PRECIOUS! :) mahal kita, precious friend ko. :)