Thursday, June 28, 2012

Standards

June 27, 2012. I was watching House M.D. and on its Season 5, Episode 12 entitled "Painless", there is this dialogue between Lisa Cuddy and James Wilson that struck me.

Wilson: Why do women always do that? 
Cuddy: Fail? 
Wilson: Create ridiculous standards that no human could meet, with your careers, with your kids. You got to be more like us men. 
Cuddy: Be lazy? Blame others? 
Wilson: Get help! Most men in your position have a deputy and two assistants at work, and a wife and two nannies at home. You’re not superwoman. Don’t be a martyr.
Natawa na lang ako pagkapanood ko nito. Eh paano, sobrang totoo. Women tends to be overly idealistic. Standards sa buhay, sa love, sa lahat!! Tapos kapag nag-fail, todo disappointment ang inaabot. Well, its our nature to be somewhat perfectionist. We don't settle for less, we overdo things, we aim high, we make sure that everything (if possible) is perfectly handled. Hindi naman 'to absolute truth. Ewan ko. Hindi nga siguro lahat ng babae ganito. Ako kasi, aminado na may pagka-idealistic. Scratch that! Idealistic talaga ako. Hindi nga lang severely idealistic. Honestly, hindi ako aware na ganun ako kung wala pang nagsabi sa akin. Kaya nga nirecall ko yung "ako" dati at ngayon.

I have this experience wherein my teacher told me to throw my gum, and then I asked "dito po?" referring to the window beside me. Tangang-tanga ako sa sarili ko noon kasi ang bobo nung tanong ko. Honor student pa naman ako noon. Malamang nainis din yung teacher ko. Zero waste kasi sa school namin and I'm well aware about that, but then I still asked that question. I really felt stupid. Doon nga ata nagstart yung ayoko-ng-parang-tanga-feeling eh. Consistent din akong "honor student" before kaya nung biglang nawala, iyak ako! I have set this standard of being on top and when I failed to reach it, I got so disappointed on myself. Ayun tuloy, di na ako nag-aral. haha. I mean I still still study, pero di na tulad nung dati. Medyo nagpabaya ako at sobrang pinagsisisihan ko yun. Di na kasi ako marunong mag-aral ng maayos hanggang sa gumraduate ako ng college at ngayon nga na mag-rereview ako, kinakabahan ako ng sobra!

I've also realized na ang taas nga talaga ng standards ko. Kaya siguro kahit hindi ako ang leader, nag-eemerge pa rin yung leader-in-me. Good thing, hindi yun nakakasagabal sa group activities. Kahit pa kasi may pagka-bossy ako, hindi yun nagiging conflict. Nung minsan nga na napili akong leader ng "bigkas" committee sa class project namin which is Bigkasadulawit, nag end up as ako na din yung parang overall leader kahit di naman. Nakakahiya nga sa overall leader namin eh, nacompare kasi kami. Pasensya! Likas na bossy lang. Sa sobrang higpit ko that time, naapektohan yung friends ko. Pag ako kasi yung may control, I make sure na everything is in place kaya naman walang kaibikaibigan. Namisunderstood yung ganun kong attitude kaya muntik nang magkalabuan yung pagkakaibigan namin. Buti na lang sensitive ako para mapansin yun. I tried to make a way para maayos yung gusot. Lesson of the story, wag OA sa standards kasi may ibang naaapektohan.

Sa relationship din, mataas ang standards ko. Unahin natin ang friendship. I have tons of acquaintances, a lot of friends, a number of close ones, but I only consider a few true friends. Takot ako sa attachment. Ayokong maattach ng sobrang kasi I get disappointed dahil may standards din ako sa friends. Like, I assume na kilalang kilala na ako ng friends ko kapag sobrang close na kami to the point na tanggap niya lahat sa akin at kapag may isang pagkakataon na hindi pala, sobrang nasasaktan ako. Nung highschool ako, I got into a "fight" with a classmate. Ang pangit nung sitwasyon kasi ang akala ng iba lalaki yung dahilan kaya kami nag-aaway. Sobrang misunderstanding! Nagcomment lang kasi ako noon na sobra siyang close sa guys na ang pangit na tignan. Nakarating sa kanya na ang dating ay nalalandian ako sa kanya when in fact, concerned lang ako.  Kakampi niya yung ibang guys, kakampi ko yung ibang girls. Chaotic! Muntik ko pa siyang masapak noon sa sobrang pikon ko nung nag-eefort kaming ayusin samantalang siya parang feeling api. Umabot sa point na kinausap na kami ng class president namin na friend ko. Ang setting, nasa may balcony kami nung president namin, ako, yung girl, at yung guy na akala ng iba ay pinag-aagawan namin. Sabi ko noon sa sarili ko, ayos lang kahit magkampihan sila nung guy kasi kasama ko naman yung friend ko. Little did I know, najudge na ako nung friend ko. I got hurt that I almost breakdown. I felt that same feeling nung nagkaroon ako ng conflict sa thesis partner ko na friend ko din. Ang nangyari naman noon, may mga reklamo siya about sa akin na nasheshare niya sa iba naming friends. Syempre yung friends ko, maniniwala sa mga sinasabi niya kasi wala naman silang alam at wala din naman akong alam. Ang akin lang, kung may reklamo siya, pwede niya sabihin sa akin at hindi yung parang napagkaisahan na ako dahil sa ang dami nang nasabi against sa akin tapos di ko man lang nadefend sarili ko. Sobrang nagtampo ako noon. out of seven, isa lang nag-open sa akin. To think na kilala naman nila ako. Sa ngayon, dalawa lang ang may alam ng saloobin ko at hanggang ngayon di pa namin nasettle nung thesis partner ko yung issue. Mukhang okay naman kami eh, kaya okay na yun! :) Di na lang ako mag-eexpect sa susunod.

Sa ibang klaseng relationship naman tayo. Kung anong relationship yun, aba ewan! haha. Dati may listahan ako ng mga pamantayan ko sa mga lalaki eh. Oo, choosy ako! Parang ang ganda ko eh. haha. Basta ang general na standard ko ay "I would never settle for anyone less than me." Oha!! Syempre dapat yung magiging 'someone' ko ay kayang higitan yung mga nagagawa ko. Pinaka-importante yung maturity. Dapat mas mature yung lalaki kesa sa akin at dapat siya ang magdala ng relasyon. Dapat mas pasensyoso kasi wala akong pasensya. Dapat mas may alam sa buhay kesa sa akin. Mga ganun. Pero ayoko ng mas matalino sa akin. haha. Gusto ko saktong matalino lang. Tapos importante na pwede ko siyang maka-usap sa kahit anong aspeto ng buhay. Gusto ko kasi ng may konting diskusyon, konting palitan ng ideas. Kaya dapat may sense kausap! Dapat mas matangkad, mas matanda, mas malakas (kasi nambubugbog ako. haha). Basta, madami pa! Sa sobrang dami, walang nakakameet. Ayan tuloy, single! haha. Sabi nung iba kong friends, hindi na daw tao yung hanap ko. haha.

So, ano bang point ko? Simple lang! We may have standards and we may be idealistic, but we should keep in mind that this should not limit us. Hindi tayo dapat mamuhay ayon sa mga pamantayan natin. Pwede itong maging batayan kung paano natin gustong mamuhay, pero hindi dapat ito makahadlang sa mga posibilidad ng buhay. Eh? Ang lalim?? haha. Yun lang. :)

Sunday, June 24, 2012

Snap Out Of It!

Sa tuwing may problema tayo, ang daling sabihin na "ayos lang yan", "lilipas din yan", "magiging okay din ang lahat." Positive statements na sobrang daling sabihin pero napakahirap isa-buhay. Bakit? Kasi you can't "JUST" snap out of it! Everything needs to undergo a process. Hindi lahat magiging okay agad-agad. Sana nga ganun lang kadali, kaya lang hindi talaga eh.

Dumating sa punto na napaka-positive ko. Yung kahit may problema, sasabihin ko sa sarili ko na "keri lang yan!" Ang sarap nga mamuhay ng ganun eh. Parang ang saya kasi kahit ang daming iniisip. Na kahit ang chaotic ng paligid at gusto mo nang magwala (na gawain ko talaga dati), hindi mo gagawin kasi nga you always choose to be positive. Magandang attitude yun. Good outlook in life, ika nga. Tawanan ang problema. Ganun! Ang saya nun! Pero narealize ko na hindi ako yun. Na minsan masarap ding magpakalunod sa problema, sa kalungkutan. At nasa ganung state ako ngayon.

Ang unfair ko kung tutuusin. Marami na kasing nagbago at naapektohan. Yung pagtulog ko, sobrang distorted na. Yung pagkain ko, sobrang abnormal na. Yung pakikitungo ko sa mga tao sa paligid ko, affected na. SORRY. Feeling ko kasi kailangan kong mag mukmok eh. Parang kailangan kong magpakalamon sa kalungkutan. Minsan lang naman eh. Babalik din ako sa "POSITIVE" na ako. Pagbigyan niyo na lang muna ako. I'm okay, but I'm still not perfectly okay. If you know what I mean. I'm okay kasi ako ito, si Claire, na laging okay at laging kaya ang lahat. Pero I'm still not perfectly okay kasi ako ito, si Claire, tao lang din. I just can't snap out of it kasi in order for me to move on, I need to live with it. Sana lang kapag okay na talaga ako, anjan pa rin kayong mga hindi ko napapansin sa ngayon. Again, sorry.

Thursday, June 21, 2012

Random Facts




1. My name's Claire. Yun lang. De, joke! haha. Basta masyadong mabait yung pangalan ko. Pang santa.

2. I'm the eldest. So, bossy ako at control freak.

3. 21 na ako sa July. I can say that I am mature, tho may times na parang nagreregress ako. hihi. Normal lang yan! I've been matured all my life so, might as well be childish once in a while.

4. I hate pink. I just thought its too girly. I used to like blue kasi its not girly. haha. I love green. SUPER!

5. My masculine side is way dominant than my feminine side. Hindi naman ako lesbian. Sadyang boyish lang. Yung tipong I can hang out with boys na walang halong malisya. Kahit makipag balyahan pa sila sa akin. :p

6. I'm sarcastic. Deal with it! Sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin directly or indirectly.

7. I embody the word "EXTREME" and I'm talking about "hot and cold", "good and bad". Bakit? Eh kasi seryoso ako pero patawa, tahimik pero madaldal, mature pero childish, suplada pero friendly din, masungit pero mabait, basta baliw! haha

8. I love coffee. Mapa-black, creamy, sweet, hot, cold, solid, liquid, gas, whatever! Basta kape.

9. I have a sweet tooth.

10. Hindi ako kumakain ng buko na niluto. e.g. macapuno, bukayo, pan de coco, buko pie, buko tart, etc.Fresh lang gusto ko.

11. I've had a boyfriend and I've been in love twice, but I can say that I have never been in a real relationship. Don't effin' ask me why! Haha. AND, I have never been courted. EVER! There have been attempts, tho. Di nga lang ako pumayag.

12. I am more idealsitic that realistic in every aspect in life. I am a little perfectionist, pero konti lang. Yung parang subconsciously, gusto ko lahat tama.

13. Mabagal ako kumain. Hindi dahil mahinhin ako o dahil conscious ako sa figure ko. I just want everything masticated, maybe to avoid choking or whatever. Pero ang oa ko daw kasi pati lugaw, oatmeal at ice cream nginunguya ko. haha

14. I unconsciuosly have this weird process of eating. As per observations of my friends, ganito daw: separate ng kanin from the rest, mejo i-form ito, kuha ng ulam, ipatong sa kanin, spoon it at pag may nahulog, balikan. Seriously, I have no idea that I eat this way. :p

15. I have tons of friends, but I have some whom I consider true friends.

16. I nag a lot. Lalo na pag mahal kita (family, friends, pero hindi sa jowa) kasi para akong nanay. Pag may mali ka, di kita tatantanan hangga't makuha mo point ko. However, if you'll play my role, asa kang pakinggan kita. haha. Joke lang. Nakikinig naman ako, pero ako pa rin nasusunod. Bakit, hindi sa jowa? Ewan. haha. Understanding ako eh! Pero deep inside, gustong gusto kong magdemand, mag-impose, at mag-nag. Yun lang, di ko talaga gawain yun. :D

17. Mababaw ako. Madaling matawa, kiligin, mapikon, maiyak, mababaw. Bow!

18. I'm strong because deep inside I'm weak. Nuff said.

19. Iyakin ako. Iyak pag masaya. Iyak pag malungkot. Iyak pag galit. Iyak pag frustrated. Pero alam ko kung kailan at saan ilalabas luha ko.

20. I hate the rain. Sorry, I'm unfair kasi di naman niya ako inaano. haha. Ang lungkot kasi pag umuulan. Parang umiiyak yung langit. Tapos ang kulimlim at ang lamig pa. Sobrang gloomy. Nakakahawa.

21. I'm afraid of heights. But then again, I like rides. Space shuttle, Anchor's away, roller coasters, except Ferris Wheel. I can handle being on top as long as hindi stagnant. Maisip ko pa lang na nakadungaw ako from a higher place pababa, mamamatay na ako! Weh, OA! haha

22. I'm a cussing machine. Pero di naman maya't maya, madalas lang. hihi. Eh paano, deprived akong magsalita ng bad word nung bata. Ni hindi nga ako masyadong sumasagot sa magulang eh.

23. Mataas pride ko.

24. I don't like party songs that much. Mas gusto ko yung mejo slow and emo.

25. Ayoko ng July, December at February. July kasi maulan at birthmonth ko. December kasi ang lamig-lamig. February kasi ang cheesy! haha. Babaw!

26. I love doctor House. His bluntness, his rudeness, his childish antics, his every evil-ness. I love him! haha

27. I like men not boys. Gusto ko ng mas matanda sa akin, mga 4 years at most. Sige na nga, pwede na din 5! :) Kasi naniniwala ako na level ang maturity ng mga babae ay ahead sa mga lalaki.

28. Paranoid ako. At hindi ko alam kung paano ieexplain. haha

29. Gusto ko ng kuya. Isang lalaki na magguguide sa akin, magpoprotect, magmamahal. Pero dapat walang malisya. :D

30. I am so random. At one point, I like this then moments later, iba na naman.

31. Madali akong kausap. Kunyari sasabihin mong ayaw mo na sa akin, "okay" lang isasagot ko. Di na kita kukulitin kung bakit o paano o kung ano man. Basta madali ako kausap.

32. Seryoso ako. Ayoko mag-explain kasi alam kong di kayo maniniwala.

33. Hindi ko ugaling mangulit para magsabi ang isang tao. Basta kung ano lang sasabihin niya at kung ano lang isasagot niya sa tanong ko, yun na yun.

34. Madali akong maattach. At once na maging attached ako sa isang tao, malulungkot na ako pag nawala siya sa akin. Madalas din akong magdetach. Kasi takot akong maiwan. Kaya ang tendency, una pa lang magdedetach na ako para di sobrang sakit pag iniwan na ako.

35. Di ako marunong tumanggap ng compliments. Madalas tatawanan ko lang yun o kaya tatanggihan. :p


Monday, June 18, 2012

Ako Pa!!


Ang daya lang. Yung tipong minsan ka lang magmahal, masasaktan ka pa. Ang daya! Pero kung iisipin, kalakip naman talaga ng pagmamahal ang kabiguan eh. Hindi naman pwede na puro saya lang. Happy endings are rather ideal than real. haha. Tunog bitter ba? Di rin! :p

Ano nga ba ang drama ko? Wala naman. I'm just hurting. haha. Pero okay lang naman ako. Ako pa! Strong ata to. Dati nga may nagsabi na nakaka-tibo ako eh. Nakaka-tibo daw kasi ang brave ko. Nakaka-admire na kahit ano di ko inuurungan. I got flattered, pero parang ayoko na din. Nakakapagod kaya maging matapang. Kaya I've decided to loosen up! If you'll ever meet my friends from highschool at mga college friends ko tapos tinanong mo sila kung paano ako noon at ngayon, most probably ang isasagot ng HS friends ko ay mataray, masungit, moody, at kung anu-ano pang negative. Pag yung college friends ko naman ang tinanong niyo, ganun din ang isasagot! hahaha. Ano feeling niyo, mabait ako? Well, think again! hahaha. Ang difference lang naman ay yung level eh. Nung high school, oa yung pagkasuplada ko at nung college, tolerable na. :)

Pero hindi pa rin yang ang ineemote ko. Eh ano pa nga ba, edi heartbroken nga! Muntanga. Ang baduy eh. haha. Kwento ko lang. Dalawang beses pa lang akong nagmamahal sa edad kong bente. Perslab ko ay nung summer before mag third year highschool, pero parang joke time lang. haha. Typical highschool love story. Inasar lang kami, naging love team (ang corny, promise), naging close, nadevelop. Ayun! Boring. Charot! hahaha. Ang saya kaya dati! PEE BEE BEE TEENS ang dating! hahaha. Ganito yun, classmates kami nung first year at seryoso, di ko siya kilala. Sa mukha ko lang siya kilala kasi buong buhay namin dun na kami nag-aral. haha. Ang baliw ko kasi nun, pinaninindigan pagiging suplada kaya mga second quarter ko na nakilala lahat ng classmates ko. hahaha. So, how did it all started? Aba malay! Crush siya ng bestfriend ko that time, saka ko lang siya napansin nun, tapos nagulat nalang ako na crush ko DAW pala siya. Kaloka. hahaha. Tapos instant loveteam kami. As in, lahat ng gawin may karuktong na "ayeeeee"! Buti nalang mabait ako, naging close pa kami. hahaha. Tapos nung second year, classmates ulit kami. Aba syempre di pa rin namamatay ang issue sa amin. Not until may nagkacrush sa kanya na iba. At talagang nacompare pa kami ni girl. Anyhow, nagpaubaya na ako nun (charot!) tapos sa bestfriend niya ako nagkagusto. Sa sobrang close namin, sa kanya ako nag-oopen about sa bestfriend niya not knowing na may gusto pala siya sa akin. hahaha. At dahil humahaba na kwento ko, ang ending ay naging kami din. For a month or two lang naman. Parang summer fling ang drama! Pero minahal naman niya ako at minahal ko din siya, nung di na kami. haha. INTRO lang to sa drama ko. haha. Ang drama ko kasi talaga ay yung bagong minahal ko...

Yung second and latest kong minahal ay itago natin sa pangalang SIYA. Bawal kumontra. Kwento ko to eh! hihi. Nakilala ko siya sa tabi-tabi lang. Actually dito. Tama, dito nga. Eto oh. Chos! Nakilala ko siya dito sa wattpad. Kaloka! Who would have thought na pwede kang magmahal ng taong di mo naman nakikita? Di ba? Crazy! Parang "Hey, I just met you! And this is crazy, but here's my number. So, call me maybe" LITERAL! Kidding aside, di ko naman naisip na magugustuhan ko talaga siya to the point na mamahalin ko. Una kasi akong nainlove dun sa character ng story niya. Tsaka syempre sa story mismo. Manghang mangha ako sa talent niya sa pagsusulat. SOBRA! Edi syempre nagfan na ako. Idol eh! tapos nagkakachat na, naging close na, naging crush pa, at di lang dun nagtapos, minahal ko pa. Di ko i-eelaborate ah. Hiyang hiya naman daw kasi si ako. The bottom line, I loved him and I still do. Ang siste, bawal na pagmamahal ang peg! So, umpisa palang alam ko nang di magtatagal. Di ko nga inexpect na aabot ng two months din ata. Nung nakwento ko nga sa iba kong friends, parang gusto na nila akong ipatapon sa Basilan para mailayo sa kahibangan ko eh. Pero dahil nakita naman nila ang kakaibang ningning sa mata ko (di rin ako naniniwala dati, pero yan talaga term nila. haha), hinayaan na nila ako. Ang sabi pa nila "minsan ka lang namin makitang ganyan kasaya kaya susuportahan ka namin, pero di pa rin kami boto." Di pa nilubos eh noh? haha. Ang sabi ko pa, "tama! Minsan lang ako magmahal kaya lulubos-lubusin ko na." Kakaiba kasi 'tong taong to. Minsan ka lang kasi makakatagpo ng lalaki na kikilalanin ka hanggang sa hibla ng kalamnan mo. Echos! Ang OA na. hahaha. Pero kasi ganun yung feeling ko. Bakit, yung jowa mo ba binabasa yung blogs mo? Binabasa at iniintindi din ba niya yung stories mo at kung ano ang posibleng pinaghugutan mo nito? Di naman di ba? Kaya sobrang nafall talaga ako. Yung tipong wala na akong pake kahit pa mali. Wala akong pake kahit walang kasiguraduhan. Basta alam kong mahal ko siya at mahal din naman niya ako, gora lang! Hindi din naman naging kami. Ayoko ngang maging kabit! Okay na yung "parang kabit" wag lang talagang official na kabit. haha. Pointless, alam ko. Pareho lang yun eh! hahaha. Eh bakit ba! Eh sa nagmamahal ako eh. "Hindi ako martyr, at hindi din naman ako tanga. Sadyang nagmamahal lang talaga." 

At gaya nga ng lahat ng love story, nagtapos na din yung akin. Malungkot ako syempre. Di naman ako bato. Pero honestly, okay lang ako. Yes, I am hurting. Pero hindi naman ako miserable. Saktong "aw! Paksyet! Pakamatay nalang kaya ako?" lang. hahaha. Joke lang. Marami pa akong gustong makamit sa buhay. Hmmm.... exactly one week of crying every night. Tagal noh? Eh sa nakakaiyak eh! haha. Nagsimula kasi sa indifference na umabot ng isang linggo tapos saka lang ako nagtanong. "Masasaktan ka lang ng todo..." That was what he said. Iyak ako nun! Kung ako lang kasi, kaya ko namang maghintay eh. Willing akong masaktan. Matagal na akong prepared masaktan. At kahit pa wala sa bokabularyo ko ang PATIENCE, handa akong maghintay hangga't meron akong hihintayin. Gusto ko pa sanang ipilit eh. Pero ang hirap kasi kung mag-isa ka lang na lalaban. Kahit gaano mo kayanin, kung wala ka namang kakapitan, susuko ka din. Hindi ako bitter. Hindi ko sinulat to para kaawaan ako or para kamuhian siya. Wala lang. I just needed to vent out. Masakit eh. Tsaka mahirap. Iiiyak mo bago ka matulog para kahit paano eh mabawasan yung dinadala mo pero pagkagising mo sa umaga, andun pa rin eh. 

Yung totoo, ayokong mawala or maputol yung communication. Gusto ko sana yung andito pa rin ako para sa kanya. Kahit hanggang friends lang. Kahit hanggang little sister lang. Di sa pagpapakatanga ahh. Alam ko naman na tsaka tanggap ko yung sitwasyon. Hindi ko lang talaga kaya na agad agad mawala na ako sa buhay niya. Syempre kahit paano may pinagsamahan din kami at masasabi kong malalim yun. Nakakapanghinayang na mawala. Tsaka mahal ko yun at habang buhay ko siyang mamahalin. May dumating man na iba na mamahalin ko din, never mawawala yung pagmamahal ko sa kanya. Meron kasi talagang tao na forever na natin mamahalin at para sa akin, siya yun. Don't ever think na magiging unfair ako sa susunod kong mamahalin. Deal with it! Lahat ng minamahal natin, habang buhay nang nasa puso natin. Hindi namamatay o nawawala ang love. Natatabunan, oo. 

Oi ikaw, I love you! Okay lang kahit di mo na ko mahal. Care ko?! Basta mahal kita. Sana maging okay ka. Sana malampasan mo yan. Kung mababasa mo 'to, gusto ko lang iparating sayo na andito lang ako. I'm just a text away. :) Miss na kita. hahaha. Nakaka-iyak naman. Yun lang.

Lastly, gusto ko lang talagang sabihin na OKAY LANG AKO.....
"Ako pa! Kelan ba ako di naging okay?!" 


With a smile, 
Cai.