Thursday, June 28, 2012

Standards

June 27, 2012. I was watching House M.D. and on its Season 5, Episode 12 entitled "Painless", there is this dialogue between Lisa Cuddy and James Wilson that struck me.

Wilson: Why do women always do that? 
Cuddy: Fail? 
Wilson: Create ridiculous standards that no human could meet, with your careers, with your kids. You got to be more like us men. 
Cuddy: Be lazy? Blame others? 
Wilson: Get help! Most men in your position have a deputy and two assistants at work, and a wife and two nannies at home. You’re not superwoman. Don’t be a martyr.
Natawa na lang ako pagkapanood ko nito. Eh paano, sobrang totoo. Women tends to be overly idealistic. Standards sa buhay, sa love, sa lahat!! Tapos kapag nag-fail, todo disappointment ang inaabot. Well, its our nature to be somewhat perfectionist. We don't settle for less, we overdo things, we aim high, we make sure that everything (if possible) is perfectly handled. Hindi naman 'to absolute truth. Ewan ko. Hindi nga siguro lahat ng babae ganito. Ako kasi, aminado na may pagka-idealistic. Scratch that! Idealistic talaga ako. Hindi nga lang severely idealistic. Honestly, hindi ako aware na ganun ako kung wala pang nagsabi sa akin. Kaya nga nirecall ko yung "ako" dati at ngayon.

I have this experience wherein my teacher told me to throw my gum, and then I asked "dito po?" referring to the window beside me. Tangang-tanga ako sa sarili ko noon kasi ang bobo nung tanong ko. Honor student pa naman ako noon. Malamang nainis din yung teacher ko. Zero waste kasi sa school namin and I'm well aware about that, but then I still asked that question. I really felt stupid. Doon nga ata nagstart yung ayoko-ng-parang-tanga-feeling eh. Consistent din akong "honor student" before kaya nung biglang nawala, iyak ako! I have set this standard of being on top and when I failed to reach it, I got so disappointed on myself. Ayun tuloy, di na ako nag-aral. haha. I mean I still still study, pero di na tulad nung dati. Medyo nagpabaya ako at sobrang pinagsisisihan ko yun. Di na kasi ako marunong mag-aral ng maayos hanggang sa gumraduate ako ng college at ngayon nga na mag-rereview ako, kinakabahan ako ng sobra!

I've also realized na ang taas nga talaga ng standards ko. Kaya siguro kahit hindi ako ang leader, nag-eemerge pa rin yung leader-in-me. Good thing, hindi yun nakakasagabal sa group activities. Kahit pa kasi may pagka-bossy ako, hindi yun nagiging conflict. Nung minsan nga na napili akong leader ng "bigkas" committee sa class project namin which is Bigkasadulawit, nag end up as ako na din yung parang overall leader kahit di naman. Nakakahiya nga sa overall leader namin eh, nacompare kasi kami. Pasensya! Likas na bossy lang. Sa sobrang higpit ko that time, naapektohan yung friends ko. Pag ako kasi yung may control, I make sure na everything is in place kaya naman walang kaibikaibigan. Namisunderstood yung ganun kong attitude kaya muntik nang magkalabuan yung pagkakaibigan namin. Buti na lang sensitive ako para mapansin yun. I tried to make a way para maayos yung gusot. Lesson of the story, wag OA sa standards kasi may ibang naaapektohan.

Sa relationship din, mataas ang standards ko. Unahin natin ang friendship. I have tons of acquaintances, a lot of friends, a number of close ones, but I only consider a few true friends. Takot ako sa attachment. Ayokong maattach ng sobrang kasi I get disappointed dahil may standards din ako sa friends. Like, I assume na kilalang kilala na ako ng friends ko kapag sobrang close na kami to the point na tanggap niya lahat sa akin at kapag may isang pagkakataon na hindi pala, sobrang nasasaktan ako. Nung highschool ako, I got into a "fight" with a classmate. Ang pangit nung sitwasyon kasi ang akala ng iba lalaki yung dahilan kaya kami nag-aaway. Sobrang misunderstanding! Nagcomment lang kasi ako noon na sobra siyang close sa guys na ang pangit na tignan. Nakarating sa kanya na ang dating ay nalalandian ako sa kanya when in fact, concerned lang ako.  Kakampi niya yung ibang guys, kakampi ko yung ibang girls. Chaotic! Muntik ko pa siyang masapak noon sa sobrang pikon ko nung nag-eefort kaming ayusin samantalang siya parang feeling api. Umabot sa point na kinausap na kami ng class president namin na friend ko. Ang setting, nasa may balcony kami nung president namin, ako, yung girl, at yung guy na akala ng iba ay pinag-aagawan namin. Sabi ko noon sa sarili ko, ayos lang kahit magkampihan sila nung guy kasi kasama ko naman yung friend ko. Little did I know, najudge na ako nung friend ko. I got hurt that I almost breakdown. I felt that same feeling nung nagkaroon ako ng conflict sa thesis partner ko na friend ko din. Ang nangyari naman noon, may mga reklamo siya about sa akin na nasheshare niya sa iba naming friends. Syempre yung friends ko, maniniwala sa mga sinasabi niya kasi wala naman silang alam at wala din naman akong alam. Ang akin lang, kung may reklamo siya, pwede niya sabihin sa akin at hindi yung parang napagkaisahan na ako dahil sa ang dami nang nasabi against sa akin tapos di ko man lang nadefend sarili ko. Sobrang nagtampo ako noon. out of seven, isa lang nag-open sa akin. To think na kilala naman nila ako. Sa ngayon, dalawa lang ang may alam ng saloobin ko at hanggang ngayon di pa namin nasettle nung thesis partner ko yung issue. Mukhang okay naman kami eh, kaya okay na yun! :) Di na lang ako mag-eexpect sa susunod.

Sa ibang klaseng relationship naman tayo. Kung anong relationship yun, aba ewan! haha. Dati may listahan ako ng mga pamantayan ko sa mga lalaki eh. Oo, choosy ako! Parang ang ganda ko eh. haha. Basta ang general na standard ko ay "I would never settle for anyone less than me." Oha!! Syempre dapat yung magiging 'someone' ko ay kayang higitan yung mga nagagawa ko. Pinaka-importante yung maturity. Dapat mas mature yung lalaki kesa sa akin at dapat siya ang magdala ng relasyon. Dapat mas pasensyoso kasi wala akong pasensya. Dapat mas may alam sa buhay kesa sa akin. Mga ganun. Pero ayoko ng mas matalino sa akin. haha. Gusto ko saktong matalino lang. Tapos importante na pwede ko siyang maka-usap sa kahit anong aspeto ng buhay. Gusto ko kasi ng may konting diskusyon, konting palitan ng ideas. Kaya dapat may sense kausap! Dapat mas matangkad, mas matanda, mas malakas (kasi nambubugbog ako. haha). Basta, madami pa! Sa sobrang dami, walang nakakameet. Ayan tuloy, single! haha. Sabi nung iba kong friends, hindi na daw tao yung hanap ko. haha.

So, ano bang point ko? Simple lang! We may have standards and we may be idealistic, but we should keep in mind that this should not limit us. Hindi tayo dapat mamuhay ayon sa mga pamantayan natin. Pwede itong maging batayan kung paano natin gustong mamuhay, pero hindi dapat ito makahadlang sa mga posibilidad ng buhay. Eh? Ang lalim?? haha. Yun lang. :)

No comments:

Post a Comment