Don't get me wrong. I don't hate "love". Hindi ako bitter. In fact, I love being in love with the feeling of being in love! haha. Mabuang ka sa pag-iisip kung anong ibig sabihin ng sinabi ko. :)
Kaya lang naman ganito title ng blog ko kasi nakakaloko yung wallpaper ng laptop ko. Eto oh! hahaha. Ang gwapo ni Dr. House! Pero hindi tungkol sa kanya tong blog na to.
Ang blog na ito ay tungkol sa pagiging emo ko. haha. Oo, malungkot nga ako. Eh tanga eh. haha. Dapat nag-expire na yung pagiging malungkot ko kahapon. Kaya lang, mukhang nag-extend. Pakshet lang. :)
Bakit ako malungkot? Kasi...basahin niyo nalang yung previous blog ko. Tinatamad ako magkwento eh. Basta malungkot ako.
Kahapon, naglaro ako. Ay nakipaglaro pala. Ang title ng laro ay, "Tara, laro tayo! In-lab in-lab-an. Ang ma-in-lab talo." Pero di naman talaga tungkol sa love yung laro. Trip ko lang na gawin yang cover photo. Eh kasi it fits! haha. Love is a game. Laro kung saan walang nananalo. haha. Tulad ko, laging talo! Hindi dahil ako yung unang na-iin-lab kundi dahil ako yung naiiwan na nagmamahal. Yung kalaro ko, moved on na samantalang ako malayo pa sa process ng moving on. haha. Ever since, ganito na talaga ang kalakaran ng punyetang pag-ibig sa buhay ko. Kaya di niyo ko masisisi kung guarded ako, kung marami kayong babasagin na barrier bago tuluyang makapasok sa buhay ko. Ganun talaga! haha. Kaya lang, tanga. Madali ma-fall eh. Boba. Di ginagamit utak. Yan tuloy, nasasaktan ako. Tangna. haha. Kawawa tuloy yung susunod na mapapalapit sa akin. Kasi super duper over sa major extra guarded na naman ako. Kaya para sa iyo na darating palang, GOOD LUCK! At sana naman di ka sumuko agad. :) Yun lang.
No comments:
Post a Comment