Thursday, April 19, 2012

ISSUES

This will be an on going post. Habang tumatagal, madadagdagan o mababawasan ito.


Issues. Mga bagay na walang kwenta na humaharang para maipakita ko ang tunay na ako.Emotions, fears, assumption, beliefs, etc. that creates a barrier between the world and I.

1. Fear of heights. Bwisit to, alam niyo yun? The view from above is breath taking, tapos di ko ma-enjoy?! One time nag zipline kami, the whole time nakapikit lang ako. Dati nag Ferris Wheel kami, mangiyak-ngiyak naman ako at halos magmakaawa na matapos na yung ride. May time din na nag Bungee Jumping kami sa MOA, halos mamatay naman ako after. I love nature. Pangarap kong umakyat ng bundok, tumalon from a cliff to the sea, umakyat ng puno, and all pero di ko magawa dahil sa walang kwentang paglambot ng tuhod ko. Kahit nga pababa ng hagdan nangangatog ako eh! Biro ko nalang, "di ako makapagsuot ng high heels kasi takot ako sa heights". pero seryoso, ang dami kong gusto na di magawa dahil sa ISSUE na to.

2.Fear of insects. Common to. At dahil din dito, akala ng iba ang arte ko. NEK NEK niyo! You want sapak?!

3. I hate crowded places. Ang resulta, di ma-enjoy ang Divisoria, ang sale sa mga malls, ang LRT o MRT, ang mga parties. Di naman ako anti-social. Well, di rin naman ako friendly. Kaya lang, nakakahilo talaga pag masyadong maraming tao. Nalulula ako. Sumasakit ulo. Kaya din ayoko nang nakikipagmeet sa crowded na tao. Dapat ang meeting place ay yung mejo secluded! Joke. okay na yung mga 7-eleven or Ministop. Mas madaling magkakitaan. Pag kasi sa crowded, di ko kayo makikita at baka di ko nalang kayo hanapin at umuwi nalang ako.

4. Darkness. Ayaw ko nito. Di dahil sa duwag ako or matatakutin. I just can't see properly. Baka matumba pa ko, wag nalang! Pero kidding aside, one thing kung bakit ayoko sa dilim ay dahil di ko alam kung ano ang pwedeng mangyari. Andun yung feeling na para kang ignorante, clueless, inutil.

5. I can't stand being alone. Not the shallow definition of being alone. Hindi yung takot ako pag mag-isa, na dependent ako, na di kayang tumayo sa sariling paa. Ang tinutukoy ko ay yung feeling ng mag-isa. Yung parang walang kakampi. Yung parang walang nanjan para sayo. Di ko kaya yung maiwan. Kaya minsan tuloy, ako yung nang-iiwan. This is one of the reasons why I don't have a best friend. I have this assumption na iiwan din nila ako. Not a fact for everyone, tho. Abnormal lang talaga ako kaya ganun.

6. Attachment Issues. Connected sa number 5. When I get attached, I assume a lot. I assume na kahit anong mangyari, kahit ano pang masabi, akin ka. Not in a possessive tone, tho. Ang ibig ko lang sabihin, anjan ka lang. di ka mawawala.

7. Security Issues. Pangarap ko magkaroon ng kuya. I like having guy friends. I want a partner who's older. Kasi gusto ko secured ako. Kasi gusto ko may poprotekta sa akin. Buong buhay ko na kasing pinagtatanggol at pinoprotektahan sarili ko eh. Gusto ko naman maranasang may ibang gagawa nun para sa akin. Kaya lang, man-hater ata ako. haha.

8. I am super CAUTIOUS. Eh kasi ayoko ng feeling ng hubad. Yung lahat ng tao may access sayo. Yung parang wala kang tinatago. Kaya marami akong front. Maingat ako. Kaya lang feeling ng iba masyado akong sarado. Na ang hirap pumasok sa buhay ko. Ang akin naman, di kasi madali yun. I can't just break my barrier for you. Its a process. Darating din naman tayo dun eh.

9. Optimistic ako. Ang tanong: bakit nandito ito? Diba positive naman to? Ang sagot: pake niyo! Joke lang. Well, tama naman da good point ito for a person. Magandang bagay ang positivity. Kaya lang, sa sobrang positive ko, nakakalimutan ko na ang serious side ko. Wala nang masyadong balance. Natuwa ako masyado sa positive outlook ko na nalilimutan kong magseryoso minsan.

10. Masungit, Suplada, Mataray, Matapang, in short, INTIMIDATING ako. Daw. Sabi nila yan. Di sa akin galing. Pero I agree naman. Haha. Eh masisisi niyo ba ako kung sadyang ganito ako? Yan tuloy, maraming may ayaw sa akin. First impression kasi lagi sa akin to eh. Totoo naman, pero sana lang kinikilala muna ako. Pwede naman kasing mabawasan to eh, lalo na pag friends na tayo. Di maaalis ang ugali kong ganito, pero one day you'll appreciate these traits of mine. Hahanap hanapin mo pa pag masyado na akong mabait sayo.


***hanggang dito muna.

No comments:

Post a Comment