haha. pero tumatawa. matapang eh! kaya lang, front lang yun. tss! ang sakit kaya sa dibdib! haha. pero ngingiti parin ako. eh kasi nga strong ako! pero nabawasan yun. haha. kasi muntik na talaga akong maiyak lalo na nung nakita kong teary-eyed na din siya. grabe! di ko inexpect na ma-oopen ko pa tong gumugulo sa pagkatao ko sa isa ko pang kaibigan. hay! eh kasi naman, dapat magtatapang-tapangan na naman ako at sasarilinin ang problema pero ayun nga, nasabi ko. in a way nakatulong kasi may gap na eh. ata? parang meron kasi. haha.
paano nagsimula?
mahabang istorya! basta eto ang plot:
may reklamo
di naman nila alam side ko
may mga komento
buti may napagsabihan ako ng side ko
may mga komento
nalaman ko kaya nagtampo ako
i felt alone, parang napagkaisahan at walang kakampi
mababaw? puta! de kayo na. eh sa hindi ko kayang ihandle to eh! ako kasi yung taong once na maging close sa isang tao eh inaassume na kilala na ako ng taong yun na kahit ano mang marinig niya eh maiintindihan niya ako. ayoko ng misunderstood kasi buong buhay ko ganun na ako. nagtampo talaga ako! nasaktan! pero inintindi ko. kaya nga hinayaan kong isa lang ang makaalam ng problema ko noon eh. kahit pa pinilit nila ako, di ko sinabi. ayoko pa kasi. hirap pa ako. tsaka feeling ko wala ding mangyayari pag may confrontations. pero kanina na-open ko sa isa pang involved. hirap ako magsalita, syempre! nasa bus pa kami, kamusta yun diba? ang bigat parin nga sa dibdib eh. pero at least nabawasan.
nag-sorry siya. sabi ko okay lang, nagtampo lang talaga ako. sabi niya concern lang kasi siya. ang akin, sana nagsabi siya. sabi pa niya ayaw niyang mauna siya kesa sa pinaka-involved. naintindihan ko naman, kakatampo lang. hay. tss! di ako galit. may tampo lang. humupa naman na. pero syempre nasaktan na ako eh. mahal ko kasi yung mga yun! kainis! haha.
may nagbago sakin. please, hayaan na muna. magiging ayos din naman lahat eh. di ko naman hinihinging mag-sorry lahat ng involved. di ko inaasam na makonsensya sila o ano pa man. basta nagtatampo lang ako. yun lang. akin nalang to. basta okay tayo. may wall nga lang siguro. pero mawawala din yun kasi di ko hahayaang matibag nun ang samahan natin.
just let me settle this on my own.
No comments:
Post a Comment