I grew up to be a tough person. panganay ako eh! inborn na ang pagiging bossy at strong. wala naman kasi akong ibang matatakbuhan kundi sarili ko. wala akong masusumbungan na mas matanda sa akin. i may be teased, bullied or whatever pero kaya ko. some call me mataray, suplada, or even "leon" at wala akong pakialam kasi totoo naman. yung iba ilag sa akin kasi nga suplada ako. meron din ingat na ingat na di ako mapikon kasi nga mataray ako. at mas lalong may mga ayaw akong magalit kasi para daw akong leon. someone even told me before na nakakatibo daw yung pagiging brave ko. i got flattered. pero minsan naiisip ko, is being tough an advantage or not? well actually, pareho. its a good thing kasi in a way, hindi ka na gugustuhing taluhin ng iba kasi alam na nilang matapang ka, na wala kang inuurungan. pero on the other hand, may part na nakakainis kasi akala ng iba na okay lang, na kaya mo pero yung totoo, nahihirapan ka din at nasasaktan. syempre tao ka rin naman at may hangganan. siguro nga matapang ka at matatag pero damn! si superman nga may kahinaan eh. ikaw pa kayang walang kapangyarihan??
ang sarap lang minsan namagtapang tapangan. yung tipong pinapaniwala mong kaya mo lahat. yung feeling mo di mo kelangan ng tulong ng iba. pero darating din sa point na mapapagod ka. lalo pa't ang natamaan na ay yung kahinaan mo. yung tipong ayaw mo nalang magsalita kasi mas dumidiin yung kung ano mang nakatarak sayo na sanhi ng pagkahina mo. ang sakit lang. lalo na kung yung kahinaan mo ay yung mga nakapaligid lang sayo. yung mga di mo maiwasan. yung mga pinapahalagahan mo. ang hirap lang. gusto mong umiyak at yakapin ang kahinaan pero hindi eh. kasi sa huli, sarili mo parin ang kakapitan mo kaya bawal maging mahina. tapang tapangan lang hanggang sa makumbinsi mo rin ang sarili mo na kaya mo. na malalampasan mo.
oo may kahinaan ako pero...kaya ko!
malalampasan ko to!
matapang ako!
No comments:
Post a Comment