Ang daya lang. Yung tipong minsan ka lang magmahal, masasaktan ka pa. Ang daya! Pero kung iisipin, kalakip naman talaga ng pagmamahal ang kabiguan eh. Hindi naman pwede na puro saya lang. Happy endings are rather ideal than real. haha. Tunog bitter ba? Di rin! :p
Ano nga ba ang drama ko? Wala naman. I'm just hurting. haha. Pero okay lang naman ako. Ako pa! Strong ata to. Dati nga may nagsabi na nakaka-tibo ako eh. Nakaka-tibo daw kasi ang brave ko. Nakaka-admire na kahit ano di ko inuurungan. I got flattered, pero parang ayoko na din. Nakakapagod kaya maging matapang. Kaya I've decided to loosen up! If you'll ever meet my friends from highschool at mga college friends ko tapos tinanong mo sila kung paano ako noon at ngayon, most probably ang isasagot ng HS friends ko ay mataray, masungit, moody, at kung anu-ano pang negative. Pag yung college friends ko naman ang tinanong niyo, ganun din ang isasagot! hahaha. Ano feeling niyo, mabait ako? Well, think again! hahaha. Ang difference lang naman ay yung level eh. Nung high school, oa yung pagkasuplada ko at nung college, tolerable na. :)
Pero hindi pa rin yang ang ineemote ko. Eh ano pa nga ba, edi heartbroken nga! Muntanga. Ang baduy eh. haha. Kwento ko lang. Dalawang beses pa lang akong nagmamahal sa edad kong bente. Perslab ko ay nung summer before mag third year highschool, pero parang joke time lang. haha. Typical highschool love story. Inasar lang kami, naging love team (ang corny, promise), naging close, nadevelop. Ayun! Boring. Charot! hahaha. Ang saya kaya dati! PEE BEE BEE TEENS ang dating! hahaha. Ganito yun, classmates kami nung first year at seryoso, di ko siya kilala. Sa mukha ko lang siya kilala kasi buong buhay namin dun na kami nag-aral. haha. Ang baliw ko kasi nun, pinaninindigan pagiging suplada kaya mga second quarter ko na nakilala lahat ng classmates ko. hahaha. So, how did it all started? Aba malay! Crush siya ng bestfriend ko that time, saka ko lang siya napansin nun, tapos nagulat nalang ako na crush ko DAW pala siya. Kaloka. hahaha. Tapos instant loveteam kami. As in, lahat ng gawin may karuktong na "ayeeeee"! Buti nalang mabait ako, naging close pa kami. hahaha. Tapos nung second year, classmates ulit kami. Aba syempre di pa rin namamatay ang issue sa amin. Not until may nagkacrush sa kanya na iba. At talagang nacompare pa kami ni girl. Anyhow, nagpaubaya na ako nun (charot!) tapos sa bestfriend niya ako nagkagusto. Sa sobrang close namin, sa kanya ako nag-oopen about sa bestfriend niya not knowing na may gusto pala siya sa akin. hahaha. At dahil humahaba na kwento ko, ang ending ay naging kami din. For a month or two lang naman. Parang summer fling ang drama! Pero minahal naman niya ako at minahal ko din siya, nung di na kami. haha. INTRO lang to sa drama ko. haha. Ang drama ko kasi talaga ay yung bagong minahal ko...
Yung second and latest kong minahal ay itago natin sa pangalang SIYA. Bawal kumontra. Kwento ko to eh! hihi. Nakilala ko siya sa tabi-tabi lang. Actually dito. Tama, dito nga. Eto oh. Chos! Nakilala ko siya dito sa wattpad. Kaloka! Who would have thought na pwede kang magmahal ng taong di mo naman nakikita? Di ba? Crazy! Parang "Hey, I just met you! And this is crazy, but here's my number. So, call me maybe" LITERAL! Kidding aside, di ko naman naisip na magugustuhan ko talaga siya to the point na mamahalin ko. Una kasi akong nainlove dun sa character ng story niya. Tsaka syempre sa story mismo. Manghang mangha ako sa talent niya sa pagsusulat. SOBRA! Edi syempre nagfan na ako. Idol eh! tapos nagkakachat na, naging close na, naging crush pa, at di lang dun nagtapos, minahal ko pa. Di ko i-eelaborate ah. Hiyang hiya naman daw kasi si ako. The bottom line, I loved him and I still do. Ang siste, bawal na pagmamahal ang peg! So, umpisa palang alam ko nang di magtatagal. Di ko nga inexpect na aabot ng two months din ata. Nung nakwento ko nga sa iba kong friends, parang gusto na nila akong ipatapon sa Basilan para mailayo sa kahibangan ko eh. Pero dahil nakita naman nila ang kakaibang ningning sa mata ko (di rin ako naniniwala dati, pero yan talaga term nila. haha), hinayaan na nila ako. Ang sabi pa nila "minsan ka lang namin makitang ganyan kasaya kaya susuportahan ka namin, pero di pa rin kami boto." Di pa nilubos eh noh? haha. Ang sabi ko pa, "tama! Minsan lang ako magmahal kaya lulubos-lubusin ko na." Kakaiba kasi 'tong taong to. Minsan ka lang kasi makakatagpo ng lalaki na kikilalanin ka hanggang sa hibla ng kalamnan mo. Echos! Ang OA na. hahaha. Pero kasi ganun yung feeling ko. Bakit, yung jowa mo ba binabasa yung blogs mo? Binabasa at iniintindi din ba niya yung stories mo at kung ano ang posibleng pinaghugutan mo nito? Di naman di ba? Kaya sobrang nafall talaga ako. Yung tipong wala na akong pake kahit pa mali. Wala akong pake kahit walang kasiguraduhan. Basta alam kong mahal ko siya at mahal din naman niya ako, gora lang! Hindi din naman naging kami. Ayoko ngang maging kabit! Okay na yung "parang kabit" wag lang talagang official na kabit. haha. Pointless, alam ko. Pareho lang yun eh! hahaha. Eh bakit ba! Eh sa nagmamahal ako eh. "Hindi ako martyr, at hindi din naman ako tanga. Sadyang nagmamahal lang talaga."
At gaya nga ng lahat ng love story, nagtapos na din yung akin. Malungkot ako syempre. Di naman ako bato. Pero honestly, okay lang ako. Yes, I am hurting. Pero hindi naman ako miserable. Saktong "aw! Paksyet! Pakamatay nalang kaya ako?" lang. hahaha. Joke lang. Marami pa akong gustong makamit sa buhay. Hmmm.... exactly one week of crying every night. Tagal noh? Eh sa nakakaiyak eh! haha. Nagsimula kasi sa indifference na umabot ng isang linggo tapos saka lang ako nagtanong. "Masasaktan ka lang ng todo..." That was what he said. Iyak ako nun! Kung ako lang kasi, kaya ko namang maghintay eh. Willing akong masaktan. Matagal na akong prepared masaktan. At kahit pa wala sa bokabularyo ko ang PATIENCE, handa akong maghintay hangga't meron akong hihintayin. Gusto ko pa sanang ipilit eh. Pero ang hirap kasi kung mag-isa ka lang na lalaban. Kahit gaano mo kayanin, kung wala ka namang kakapitan, susuko ka din. Hindi ako bitter. Hindi ko sinulat to para kaawaan ako or para kamuhian siya. Wala lang. I just needed to vent out. Masakit eh. Tsaka mahirap. Iiiyak mo bago ka matulog para kahit paano eh mabawasan yung dinadala mo pero pagkagising mo sa umaga, andun pa rin eh.
Yung totoo, ayokong mawala or maputol yung communication. Gusto ko sana yung andito pa rin ako para sa kanya. Kahit hanggang friends lang. Kahit hanggang little sister lang. Di sa pagpapakatanga ahh. Alam ko naman na tsaka tanggap ko yung sitwasyon. Hindi ko lang talaga kaya na agad agad mawala na ako sa buhay niya. Syempre kahit paano may pinagsamahan din kami at masasabi kong malalim yun. Nakakapanghinayang na mawala. Tsaka mahal ko yun at habang buhay ko siyang mamahalin. May dumating man na iba na mamahalin ko din, never mawawala yung pagmamahal ko sa kanya. Meron kasi talagang tao na forever na natin mamahalin at para sa akin, siya yun. Don't ever think na magiging unfair ako sa susunod kong mamahalin. Deal with it! Lahat ng minamahal natin, habang buhay nang nasa puso natin. Hindi namamatay o nawawala ang love. Natatabunan, oo.
Oi ikaw, I love you! Okay lang kahit di mo na ko mahal. Care ko?! Basta mahal kita. Sana maging okay ka. Sana malampasan mo yan. Kung mababasa mo 'to, gusto ko lang iparating sayo na andito lang ako. I'm just a text away. :) Miss na kita. hahaha. Nakaka-iyak naman. Yun lang.
Lastly, gusto ko lang talagang sabihin na OKAY LANG AKO.....
"Ako pa! Kelan ba ako di naging okay?!"
With a smile,
Cai.
No comments:
Post a Comment