Thursday, May 3, 2012

Bakasyon Grande

Grade? Kasi sobrang sulit eh! haha. Sa limang araw namin sa Ilocos, isang o dalawang araw lang ata kaming pumirmi sa bahay. Una nung bagong dating. Pahinga pahinga din naman kasi. Tapos yung araw din na nagcelebrate yung pinsan ko ng graduation niya. The rest, larga to the max!

Ikalawang araw. Tumulong kami sa pagluluto ng puto. haha. Binigyan ko pa ng bagong nickname yung tito ko, siya na ngayon si "Mang Puto!" haha


Tapos susunduin namin sina Tita ko at pinsan, pero bago yun umupo ako sa may mga mais. haha. Ang daming mais eh! Pagkain daw ng mga baboy. Sosyal eh!


Sa Fort Ilocandia naman to. Makabukaka ako eh. haha. Nakaabang kasi anytime na tumakbo yung mga pamangkin/inaanak ko. :)


Sabi nung mga mama sa beach, "pose na! Pang-FB din yan. I-aadd kita ah!" Pektosan ko kaya sila?! Tanghaling tapat nag-iinuman tapos ako pa napagtripan. haha.


Gumising kami ng maaga para mag swimming. Ang arte ko, eh hindi ko naman pwedeng basain yung buhok ko. haha. Nagparebond pa kasi eh. tss!


Bait ng kapatid ko. haha. Bago kunan ng picture, tinatakpan niya yung liwanag. Eh wa epek din kasi sadyang masilaw. 


At dahil ang lakas ng loob ko, POSE! haha. Minsanan lang kaya sige nalang. 


Eto naman nung bumisita kami sa mga Simbahan sa Ilocos.  Ang harot ng Tito ko, bigla nalang akong hinila kaya ayan mukha akong ewan. haha.


Pizza!! From Saramsam Cafe. Yung una, Dinuguan pizza tapos yung sumunod, Bagnet pizza. Waley, masarap lang! haha


Graduation celebration ng pinsan ko. At bilang ang daming bisita na halos lahat kamag-anak namin na di naman talaga namin kilala, sa kwarto kami kumain. haha. Mga bastos eh! Hinahagilap kami para ipakilala tapos nagtatago lang kami. :)


My Inang (lola), si Ralph (makulit kong pinsan) and I. Parang frame daw kasi yung kurtina effect eh. haha


Sige, inom! haha. Ang dali kong mamula, kainit naman kasi! Alas dos palang ata niyan eh.


Syempre pasyal ulit. Full-packed tong araw na to kasi ang dami naming napuntahan. Sa lighthouse, sa windmills, sa Pagudpod, sa Patapat bridge, at sa kapurpurawan. Dapat kasama kami sa tatlo ko pang pinsan, eh kaya lang ngatog na ngatog na ako kaya kami nalang ni Ralph. hahaha


Dito din, nalulula ako. hahaha. Kapit nalang para di masyadong halata. :)


Bangui Windmills. Saya ko, wala nga lang mukha. haha


Pagudpod. haha. Obviously, wala kaming balak maligo. Eh nagkayayaan na. haha. And hey, I never thought my hair can look this good. Share ko lang.


Ayan na nga ang biglaang langoy. :)


Patapat bridge. Hiphop ako kasi nga wala akong pamalit na damit. hahahaha. At malayo ako sa mismong gilid ng bridge kasi kalula! Dagat na ang tanaw eh. Malaglag pa ko. haha


Kapurpurawan rock formations. May production number daw kaya may blockings. haha


Ngatog! Tinatawanan ako ng pinsan kong bulinggit. haha


Di ko na kaya. Paupo ahh!


Sabi nila, palit-palit naman daw ng pwesto. Sabi ko, "manigas kayo!" haha. Pero ako naman talaga yung naninigas. :p


Sand boarding sa La Paz sand dunes. Nafeel ata ng sand na takot ako sa mataas kaya itinuring akong prinsesa. Aba'y dahandahan talaga akong ibinaba eh! Di ko tuloy na-enjoy. haha. UULIT AKO NEXT TIME!


Pagod. haha. Nag 4X4 kami paikot ng buong sand dunes tapos sand boarding kaya pagod. Ang jinit pa! Kaloka. haha


Pauwi. haha. Eh kumakain ako eh!


Syempre di matatapos ang bakasyon sa Ilocos lang. Next stop, Pangasinan! :) At dahil mashoshonda mga kasama namin, bonding kaming magkapatid. haha. Nagdedate lang ang peg.


Feel na feel ko at sobrang excited ako on our way to Hundred Islands. Akala ko naman kasi nasa unahan ako ng bangka, di pala! haha. Maling mali eh. Majinit pero keri naman. Saya!




Sweet kami minsan ng kapatid ko. hahaha. Ewan kung anong drama namin diyan.


Family picture. Background namin yung cellphone ng kapatid kong nagswimming din. hoho.


Ang ending, may tanline ako sa legs! hahaha. Sana kasi may bubong yung bangka eh! :) Di pa dito nagtatapos. Lalarga pa ako sa Sariaya para magswimming. haha. Ang puti ko eh! :)


05.23.12

Eh hindi natuloy sa Sariaya. Pero natuloy naman sa Pahiyas Festival sa Lucban!! :D At dahil gabi kami nagpunta, umaga na kami gumala!


Ayan, gora muna kami sa Kamay ni Hesus.


Sa may barko ni Noah. 

Si Noah na classmate ko nung prep. JOKE! :p

Eto naman sa loob ng church. 

Tapos gala na sa paligid-ligid. haha. Lakaran ang peg bilang di na makadaan ang mga caroo! At majinit mag-antay sa parada ahh. haha

Umpisa na! Kay tagal hinintay, mabubwisit din pala ako sa haba ng parada. haha. 
Pansinin ang ngiti ni kuya. haha. Everytime kukunan siya ng picture, parang pinepaste lang niya ngiti niya. Ansabe di ba? :)

Hindi nakakatuwa ang mga higante dito. haha. Bigla bigla ka nalang dadambahin. Kaloka! Ako pa napiling gulatin eh. Lakas ng sapak sa utak! haha
Isa sa mga pumarada. Higanteng baboy. haha.
Isa pa sa mga bakulaw na malakas ang tama. haha. Lakas maka-turista ng pagpapalitrato ko sa kanya eh. :p
Pati mga beki, pumarada. May chant pa sila na "mabuhay ang mga beki!" hahaha. Kulit eh.
Meron din palang mga kalabaw na lumuluhod. Tinamad nga lang nung sa may amin na banda. haha. At ang yabang ng kalabaw na ito. Amputi eh. haha
Good thing di halatang stressed kami. haha. Majinit na, siksikan pa! 
Take note, may bata akong sinabihan na, "gusto mo tapakan kita?" tsaka "uwi ka na kaya. hatid pa kita. tara na!" hahaha. Kapikon eh! 

After ng parade, merienda muna. Kaloka 'tong araw na ito, five full meals ata nakain ko. haha. Bondat tuloy!

Tapos gora ulit para ikutin yung dinaanan ng parada. hohoho. Kapagod ah! Daming pang utaw. Nakakahilo tuloy. Nawalan pa ng phone papa ko. haha


With the gang.
With my brother. haha. Who is also may bodyguard. :D
Dahil turista kami! haha
With the girls and the extra girl. Eps lang. haha. At bakit di ako nakangiti?? hahaha
Ang saya talaga naming magpinsan eh. haha
Inlavey kay kuya. haha.
Maganda kasi kami sa dilim haha.
Hello daw sabi ng red lips namin. :)
Kasi po ang gwapo ko! hahaha
The "drunk" version of us. Promise, ang banas ng mga panahon na yan!! hahaha

Bow! Tapos na. haha. Ngayon ko lang narealize na di ko pala na-edit yung pictures. haha. Katamad na! Basta kahit two days and two nights lang kami, sulit naman. hahaha. Obvious bang tinatamad ako mag-kwento? hahaha. Hayaan na! Next time nalang ulit. Bye! :D


No comments:

Post a Comment