di ako graduating. pero about graduation blues itong post ko.
kagabi, i had a dream. sobrang weird lang ng dream. ang dark ng dating.
first scene, tumatakbo ako. para bang naliligaw. well technically, naliligaw talaga. takbo ako ng takbo pero di ako umaalis sa kinalalagyan ko, bumabalik lang at parang laging dead end ang nararating ko. what's more weird is sarili kong school, naliligaw pa ako. i am supposed to be in the auditorium of our school kasi mga two hours na yata akong late sa sarili kong graduation.
at last, mararating ko na ata yung dapat kanina ko pang napuntahan. on my way, nakasalubong ko ang isa kong batchmate. naligaw din daw siya at may isa pa daw kaming batchmate na naliligaw din. ang wirdo talaga, sariling school naliligaw?? so ayun, malapit na kami sa audi. ang bilis niyang tumakbo kaya nauna siya. pag pasok ko, tinanong ko yung friend ko kung ano nang nangyari. sabi niya lang tapos na at sobrang late daw ako. naiinis na ako kasi parang wala siyang pakialam to think na kaibigan ko siya. mga ilang minuto din akong halos tulala at pilit iniintindi na tapos na. late ako sa sarili kong graduation. ano yun, di ako nakagraduate?? pero yung nakasalubong ko kanina at yung binanggit niya nakaabot. ang daya!
sobrang gulong gulo ako at naiinis na kaya nagbreak down ako at lumabas na. iyak ako ng iyak at mas malungkot kasi mag-isa lang ako. may nakakita sakin na isang lalaki at isang babae. kinausap nila ako about life. well, di ko na maalala lahat basta ang alam ko nainspire nila ako. kinomfort nila ako at nang mahimasmasan ay pumasok ako ulit sa audi. patay na ang ilaw except ilaw sa stage. halatang halata din na katatapos lang ng event at yung mga candles ay parang kakaihip lang. may maliit na altar kaya lumapit ako, lumuhod at nagdasal. tumutulo ang luha ko. di pa man natapos ang dasal ko ay may tumawag na sa aking atensyon. napalingon ako at bukas na lahat ng ilaw at ang kanina'y paubos nang kandila ay parang bago na ulit. kinausap ako ng ale. sabi niya lumabas daw muna ako kasi magmimeeting mga magulang for the graduation. gulong gulo man ako, lumabas din naman ako.
sa labas, ang daming tao. mostly mga studyante na nakapila, nagdadaldalan at naghaharutan. kitang kita ang excitement sa mga kilos nila. nagulat ako, mga kabatch ko sila! hinanap ko ang mga friends ko at sa bandang dulo ng linya ko sila nakita. isa isa ko silang nilapitan at kinausap. yung una at hanggang sa pangatlo kong nilapitan, di ako pinasin, halatang nantitrip. naiyak ako, as in break down ulit. ang babaw kung iisipin pero ang totoong dahilan ay dahil gulong gulo nga ako. sa isip ko, bakit niyo ko pinagtitripan?? hindi niyo nga alam yung nangyari kanikanina lang eh. iyak lang ako ng iyak at nagpanic sila. tinatanong nila ako kung bakit ako umiiyak pero di ko sila sinasagot kaya niyakap nila ako ng mahigpit at nagsorry. iyak parin ako ng iyak pero this time dahil na sa tuwa. masaya ako kasi makakagraduate ako at kasama ko ang mga kaibigan ko. masaya ako kasi kahit nakakalungkot yung nangyari kanina ay maganda naman ang nangyayari ngayon.
yan ang panaginip ko. ang wirdo talaga kasi pag gising ko, umiiyak ako. hahaha. sana di manyari. mejo nakakatakod yung part na naliligaw ako eh.
SHARE!
No comments:
Post a Comment