Wednesday, August 29, 2012

Long Time No Blog

Busy ba ako? Hindi naman. Tinatamad? Hindi rin. Wala lang. Parang wala sa mood or wala lang talagang sasabihin. Hay. Ang labo ko talaga. Dati may excuse ako sa pagdedettach, pero ngayon wala. Naguiguilty na nga ako eh. Kasi parang ang layo na ng mga tao sa akin. Kasi hindi ko sila hinahayaan lumapit sa akin. Basta! Nakakainis na ako. Alam kong may mga nagtatampo na sa akin. Sorry, di ko din kasi maintindihan sarili ko.

Para akong isang tao na may dalawang buhay. Si number one na dati nang nag-eexist at si number two lang na bago lang nag-appear. Sa buhay ni number one, nandun yung mga taong matagal na akong kilala at matagal ko na ding kilala. Sila yung mga taong nakita yung katarayan ko, yung mood swings ko, nakita yung mga kalokohan at kaseryosohan ko, yung dating ako. Sila yung mga taong parang "tinataguan" ko unintentionally. Sila yung mga mahal ko pero hirap akong i-express. Sila yung mga naneneglect ko. Sila yung mga namimiss ko. Sa buhay ni number two, nandun yung mga bago ko lang na nakilala. Yung mga taong ang tingin sa akin ay jolly at parang hindi marunong magseryoso. Sila yung mga taong nakikita yung pagiging sabog at baliw ko. Sila yung mga madalas kong nakakausap. Sila yung mga saglit ko pa lang nakikilala pero ang gaan na ng loob ko. Sila yung nagpapangiti sa akin lately. Normal naman na may multple personality tayo, pero ang hindi normal ay yung hindi sila magkatugma. Siguro nga baliw ako.

Yung totoo, miss ko na yung number one na buhay ko. Syempre, yung mga tao dun yung mga taong nakasanayan ko na. Nandoon yung mga taong mahal ko at mahal din ako kahit ang layo ko sa kanila. Isa lang gusto kong sabihin, yun ay "Sorry". Sorry kasi hindi ko talaga alam kung bat ang layo ko na. Sana wag niyo ako sukuan. Paparamdam din ako. Di pa nga lang siguro ngayon. Mahal ko kayo at sobrang miss ko na kayo. Pengeng time, babalik din ako. Again, sorry. Lalo na sa isang tao na ang layo na nga, nilalayuan ko pa. Sorry. Alam kong nasabi ko na sayo na intindihin mo kabaliwan ko at naiintindihan ko kung nagtatampo ka na. Pero please, wag mo kong i-hate. Sorry talaga. Miss na kita. Seryoso. Nakakainis kasi di ko naman maipakita yun. Di na ko nag-oopen ng FB ko. Pati twitter. Pati e-mail. Lahat di ko binubuksan. Sorry. :(

Hay... Basta. Abnormal ako. At unfair ako. Pero mahal ko kayo, no doubt. Babalik din ako. Nagbabakasyon lang. Sorry ang selfish ko. :((

Tuesday, August 14, 2012

A Star Can Wish


A lady
upwardly gazing,
just wishing,
to a star, she's wishing. 

A celestial body
to Earth he is staring,
also wishing,
a star who's wishing.

I look at you
oh, what a lovely beau
held my hand up high
though all I can do is sigh.

I've been looking at you
oh, what a lovely view
from above, I reach my hand
praying hard for you and I to bond.

Impossible it seems
but I've reached you in my dreams
impossible it is
for I woke up in a breeze.

Unreachable, I maybe
But for you, I'll go the distance
unreachable, you are baby
for reality is a resistance.