Thursday, April 28, 2011

When Reality Bites

Kin Hubbard : the world gets better every day -- then worse again in the evening.

i first heard/read this quotation when i was in high school. third year, to be exact. it was striking, yes. not the usual quotations that we encounter. but it struck me most when i realized what it really meant.

literally, it is true. sa umaga, you can smile or laugh all you want because you're with friends or loved ones but at the end of the day, when you're alone in your room, you'll then realize that oo, tumawa ka nga at halos mahulog pa sa upuan dahil sa sobrang galak, but am i really as in truly happy?

2 this quotation can be related to aging. with the analogy of day is to youth and evening is to old age. habang bata, you can do all things but as we age, doon nalelessen ang mga bagay na pwede nating gawin. if you haven't lived you life properly, darating yung point na masasabi mo na sana ganito, sana ganyan.

3 i can also relate this sa love. when love is young, parang ang saya saya lang. kilig dito, kilig dun. but as time goes by, hindi na ganun yung kilig na mararamdaman mo tulad nung bago palang. nagkakasanayan na. wala ng spark.

how can we prevent these? i guess we can't. it's the reality. it happens. pero hindi naman pwede na lagi nalang tayong ganun. pwede din naman na "the world gets better in every day -- then best in the evening" o kaya "the world gets better every day -- then worse again in the evening -- but then again, tomorrow is another day!" 

reality check, pwedeng sobrang down tayo ngayon at parang ang tanging gusto nating gawin ay umiyak at mag mukmok pero reality check ulit, bawal bumangon sa pagkadapa?! when you're down, there is no other way but to go up. when you're now at the top, there will come a point that you will again, go down.

life is a continuous cycle. parang lesson lang namin yan kanina sa economics eh. kung may recession, may recovery. kung may down, may up. kung may sadness, may happyness. at ang gasgas nang there's a rainbow always after the rain.

at the end of this all, outlook mo parin sa buhay ang magdadala sayo. ikaw din, kung gusto mo jan ka lang sa baba, edi jan ka lang. sige ka, kung di ka tatayo baka maapakan ka ng iba. :) 

Wednesday, April 27, 2011

Digman, Digman... sagot sa kainitan

note: this is a late post.

April 25, 2011. Monday.

This was the day of our Midterm exam. Asian Civ., then Eco., then statistics. sobrang nadrain yung energy namin sa pagsagot sa mga exams. well, di masyado kasi the first two subjects, keri lang, as in multiple choice kaya madali lang...manghula! haha. deh! madali lang talaga. kahit di nga ako masyadong nag-aral, well hindi talaga, nakasagot parin ako ng maayos. at okay din naman ang results di mataas pero pasadong pasado. :) then, ayun. yung statistics talaga is equivalent to stress! sobrang nakakastress sumagot! well, kung tutuusin, madali lang naman. kaya lang since meron akong quiz dati sa kanya na ZERO as in bokya na wala akong tinama, naparanoid na ako. kahit pa nakabawi ako sa retake at 100 nakuha ko, natrauma parin ako kaya kahit anong quiz o exam man eh never akong naging confident sa sagot ko.

at dahil nga nastress kami sa exams at sobrang init nga naman talaga nang araw na yun, nagdecide kaming maghalo-halo...sa DIGMAN! tenen! haha. ang layo. sa Bacoor yun. pabor sakin kasi taga doon lang ako. haha. pero ang layo parin! :) ayun nga, dapat nung Wednesday pa kami pupunta kasi half day dahil Holy Week kaya lang dalawa lang kaming matutuloy kaya di nalang muna. tapos nung monday nga, natuloy kahit tatlo lang kami at biglaan.

dendededen! the adventure: i was with Nikka ang Krista. originally, dapat magbubus kami ng mga pa-Cavite kaya lang standing na kaya nag LP bus nalang kami. Erjohn yung bus na nasakyan namin so dalawahan lang yung upuan. tabi sila, then mag-isa ako. i mean may katabi ako pero unknown creature. haha. nakakatawa pa nga kasi kahit nahiwalay ako, nag-uusap pa rin kami. there was an incident pa na Nikka or Krista said "dapat kasi tumitingin-tingin ka sa paligid eh para nagkaka-bebe ka." something like that. may pumasok kasi na dalawang lalaki at isang babae at may cute daw. nakita ko naman sila pero di ko maalala mukha. hahaha. not fund of boy-watching, i guess. :) tapos ayun, Zapote na. we crossed the road na sobrang daming bus na nadaan kaya mejo natagalan kami. takot eh. :)

sumakay na kami ng Zapote kabila na jeep tapo naalala ko na may sakayan pala ng Binakayan sa may bungad lang ng Zapote at walking distance lang. haha. tinamad lang akong magsuggest. alam ko naman kasi talaga na meron kaya nga nagtaka ako kung bakit kami tumawid eh. hahahaha. anyhow, pagkasakay namin sa jeep, bumaba kami sa Jollibee Kalinisan. kung kelan naman ako sinipag magsuggest, mali naman. hahaha. pero nakasakay na din naman kami sa tamang sakayan. dinala ko kasi sila sa sakayan ng jeep papuntang Naic and the like. haha. malay ko ba. tapos ayun, may nakasabay kami na bababa din ng Digman. Krista said "naku, kelangan unahan natin siya bumaba" kasi daw kaagaw namin sa halo-halo then i said "ngek! eh dapat nga siya paunahin natin kasi di natin alam kung saan bababa eh." then we laughed and they both said "oo nga 'no". haha.



and then.. here we are! nagtanong pa kami eh tanaw naman pala yung sign board. haha. tapos dalawa yung store doon so nagtanong kami sa sarili namin, "saan kaya mas masarap" tapos may sumagot na someone "sa kaliwa" at doon nga kami pumunta. naglalakad palang kami sobrang natatakam na kami. tapos pagpasok namin natuwa kami kasi tanaw mo na agad yung ingredients na nakadisplay.


namangha pa kami sa laki ng leche flan! haha. sarap magdive in! tapos nilapitan na kami ni ate to get our orders. at syempre, we ordered three halo-halo's. tapos habang hinihintay yung orders namin, nagpicture muna kami sa paligid at ng aming mga sarili. naaliw pa si Krista sa isang buong wall na mirror.


here comes the halo halo! hahaha. pinanood talaga namin yan habang ginagawa. sarap! put-your-own-sugar-policy pala dito. haha. tama nga naman. people have different tastes. halos dalawang kutsara ng asukal ata nilagay ko o mas marami. gusto ko kasi matamis. tapos habang nilalantakan yung halo halo, nagkukwentuhan kami. tapos nagulat sila.


sinadya pa nilang kunan ng picture kasi papahulaan daw nila kung asan yung akin. hahaha. akin yung nasa right. second sa pinaka onti. unusual yung kasi sobrang bagal ko kumain tapos si Krista yung super mabilis pero siya yung may pinakamarami pa. hahaha. weird! bakit ba? hahaha. tapos nagutom kami. dapat oorder kami ng bbq kaya lang ubos na daw so nag tapsi kami.


hang sarap! haha. tapos nagkayayaan na dun naman daw kami sa Paranaque magfoodtrip. may masarap din daw na tapsihan dun tsaka masarap din daw pansit. tapos may napansin na naman sila. haha. ang linis ko daw kumain. tsaka sabi pa ni Nikka "kelangan pantay yung pagkakahati ng itlog?" hahaha. sorry naman. i'll describe kung pano ako kumain. first, either gigibain ko yung tumpok ng rice tapos ifaflatten at igagather sa gitna tapos bawat bawas ko ay igagather ko parin lahat pagit na or hindi ko muna gigibain at unti-unti ko lang na babawasan. basta kelangan nasa gitna silang lahat at magkakasama. hahaha. wirdo. pero wirdo din naman yung sawsawan ng tapsi namin eh. ketsup at suka?! ngayon ko lang nakita yun pero ganun daw talaga. haha. well, masarap naman kaya keri lang.


tenen! ayan. tapos na kami kumain. akin yung may tirang itlog. hahaha. nako, lagi nalang akong may tira. at least malinis plato ko, diba Krista? hahaha. as usual, si Nikka tamang kain lang, si Krista parang construction worker at ako namnam girl na naman sa sobrang tagal. hahaha..

to sum up the whole experience, it was oh so YUMMY!!

DIG IN SA DIGMAN!! :)

Wednesday, April 13, 2011

Writing

suddenly, i became hooked with writing. i know for a fact that even before, i scribble and doodle poetries but now, who would have thought that i'll be writing stories? haha. at first i thought it's ugly until i've decided to create a blog to post my stories and poetries. i never thought others would appreciate my talent. haha. talent? well, thank you God for the gift! i love you so much. :)

Saturday, April 9, 2011

Intoxicated

last night, we celebrated my friend's birthday. right after class dumirecho agad kami sa bedrock sa bellagio. we had T.I and a bottle of Tequila. unfortunately, i got drunk. ang bilis nga eh. siguro kasi puyat tapos di nagdinner. ewan! kadiri. suka ako ng suka as in literal na naligo sa suka! haha. tapos nahulog pa daw ako sa upuan. at first time kong magblack out. wala ako maalala. hahaha. at ngayon, nagtatae ako at nagheart burn. at ang bloated ng feeling ko. even my head hurts! bitch na alcohol yan! hahaha. kbye! that's all. i don't want to elaborate anymore. :)